Sinsilyo (140)

‘‘ANONG barya ang ide­deposito?’’ Tanong muli ni Lolo Dune Kastilaloy kay Gaude. Nakadilat ang mga mata ng matanda.

‘‘Mga barya pong ipi-nabilang sa akin. Idedeposito raw niya.’’

‘‘Bakit?’’

“Hindi ko po alam. Iyon po ang iniutos sa akin.’’

‘‘Estupido! Bakit ka pumayag?’’

Nagpanting na ang taynga ni Gaude sa pagkakatawag sa kanyang estupido. Ngayong marami siyang iniisip na problema tungkol sa mga ginawa ni Lyka sa barya ay napalakas ang boses niya sa matanda.

‘‘Huwag mo akong tawaging estupido!’’

“Aba’t lumalaban ka na ha? Sige lumaban ka at nang makita mo ang hinahanap mo!’’ Umamba ang matanda na susuntukin si Gaude.

“Hindi ako estupido!’’

“Kung hindi ka estupido, bakit mo pinayagan si Lyka na ideposito ang pera. Kasabwat ka siguro ano? Maghahati siguro kayo sa pera ano? Bakit siya pinapapasok mo sa kuwarto samantalang ako, ayaw mong papasukin noon para makita ang mga barya? May ginagawa ka-yong milagro ano? Ang tagal ni Lyka sa kuwarto mo. Akala mo hindi ko alam ha?’’

Hindi makapagsalita si Gaude. Gumapang ang takot sa kanya. Nakita ni Kastilaloy ang pagpasok ni Lyka sa kuwarto niya. Sinusubaybayan silang dalawa.

‘‘O ano putlang-putla ka ano, tonto. Bakit hindi ka makasagot? Ano ang ginagawa ni Lyka sa kuwarto mo, aber?’’

Pakiramdam ni Gaude ay nalunok niya ang dila. Ngayon niya naisip ang mga balak ni Kastilaloy laban sa kanya. Iba-blackmail siya. Tatakutin siya nito na isusumbong kay Tito Mau sa mga nakita. Lalabas na mayroon silang ginagawa ni Lyka.

‘‘Akala mo hindi ko alam ang ginagawa n’yo. Nung isang gabi, madaling araw na nang lumabas si Lyka sa kuwarto mo. Anong ginawa n’yo? Nagtalik kayo ano? Manipis na manipis ang suot ni Lyka at wala nang panty at bra nang lumabas. Gusot na gusot pa ang buhok! Iniiputan n’yo si Mau! Bukod dun, inuubos n’yo pa ang pera ni Mau.’’

Noon nagkaboses si Gaude.

‘‘Wala kaming ginagawa ni Lyka! Wala akong alam sa sinasabi mo!’’

‘‘Anong ginagawa n’yo ni Lyka sa disoras ng gabi? Nagkukuwetuhan? O nagkakan------ ? He-he-he! Ikaw kahit estupido, malibog naman!’’

“Wala kaming ginagawa!’’

“Kay Mau ka magpaliwanag. Tiyak na sa basurahan ka na pupulutin. Pinakain ka ni Mau tapos ito pa ang ginanti mo.’’

‘‘Wala akong ginagawang masama !’’

(Itutuloy)

Show comments