“PAANO ginagastos ang mga baryang yan, Gaude?’’ tanong pa ni Lyka habang nangi-ngislap ang mga mata sa pagkakatingin sa tambak na barya.
“A e binibilang ko po, Tita Lyka.’’
‘‘Tapos?’’
‘‘Inilalagay ko po sa mga plastic na lalagyan ng yelo. Ang mga tig-pipiso ay P100 bawat plastic. Ang P5 ay P500 at ang P10 ay P1,000.’’
“Pagkatapos anong gagawin?’’
“Dadalhin na po ni Tito Mau sa banko at idedeposito.’’
“E di ang dami? Ang bigat si-guro.’’
“Opo. Itinataksi po ni Tito.’’
‘‘Mga magkano ang idinideposito niya?’’
‘‘Minsan po, thirty at minsan, fifty.’’
‘‘Fifty thou?’’
“Opo.’’
“Ang dami!’’
“Kapag kailangan po ni Tito Mau ng pera, magpapabilang siya sa akin.’’
‘‘Kaya pala ang da-ming pera ng lokong yun. Sabi sa akin, may minana raw siyang lupain kaya marami siyang pera.’’
“E Tita Lyka, huwag mo pong sasabihin sa kanya na ako ang nagsabi sa’yo. Mahigpit nga po ang bilin niya sa akin na huwag ipakikita ang mga baryang ito.’’
“Hmmm, e paano kung sabihin ko sa kanya? Anong gagawin sa’yo?’’
“Magagalit po sa akin. Hindi na ako pagkakatiwalaan. Baka patigilin na ako sa pag-aaral. Gusto ko pong makatapos.’’
‘‘Pero ako naman ang nagpumilit kaya nakapasok dito. Wala ka namang kasalanan, ba’t ka matatakot kung ma-laman niya.’’
“Kahit na po. Kasalanan ko pa rin dahil pinayagan ko ikaw. Dapat hindi kita hinayaan…’’
Napatangu-tango si Lyka.
‘‘Sige, hindi ko sa-sabihin pero…’’
“Pero ano po?’’
“Lahat nang hilingin ko sa’yo, ibigay mo…’’
Nahiwagaan si Gaude. Hindi niya ma-intindihan.
Nagpaalam na si Lyka. Lumabas na ito ng kuwarto niya.
Wala silang kamalay-malay, nakita ni Lolo Kastilaloy ang paglabas ni Lyka sa kuwarto ni Gaude. Napangiti ang matanda.
(Itutuloy)