SINO kaya ang pumipihit sa door knob? Ilang beses pang narinig ni Gaude ang pagpihit sa door knob.
Hanggang sa hindi na makatiis si Gaude. Inis na siya. Bumangon siya at dahan-dahang tinungo ang pinto. Dahan-dahan ding binuksan para mahuli kung sino ang pumipihit sa door knob.
Pero nang buksan niya, wala naman siyang nakita. Walang tao sa salas. Sinilip niya kaliwa’t kanan. Wala talaga! Nananaginip ba siya? Pero hindi siya maaaring dayain ng pandinig. Narinig niya ang ilang ulit na pagpihit sa seradura.
Nang matiyak na walang tao, isinara niya ang pinto. Bumalik siya sa higaan.
Hindi na niya nari-nig ang pagpihit sa seradura.
Sino kaya iyon?
Hanggang sa maisip ni Gaude na maaa-ring si Kastilaloy ang pumipihit sa seradura. Ito lang naman ang nagpupumilit na makapasok sa kuwarto niya para makita ang bunton ng mga barya. Noon ay pilit na pumapasok at napigilan lamang nang tulungan siya ni Lolo Kandoy. Silang dalawa ang nagsapakan.
Si Kastilaloy ang nagbubukas ng pinto. Akala siguro, maiiwanan niyang bukas ang pinto.
Natulog muli si Gaude. Hindi na naulit ang pagbubukas sa pinto.
KINAUMAGAHAN, nagluluto siya ng almusal nang lapitan siya ni Lolo Kandoy.
“Hindi ko nakikita si Mau, Gaude. Nasaan siya?”
“Hindi ko rin po alam, Lolo Kandoy. Hindi sinabi. May dalang damit sa bag.’’
“Kinakabahan ako, Gaude.”
(Itutuloy)