“SIYOTA mo Tito?’’ tanong ni Gaude.
Nagtawa si Mau. ‘‘Malapit na. Ayaw ko pa lang madaliin. Hinay-hinay lang muna, he-he-he!”
“Ipagsasama mo na rito?’’
‘‘Bakasakali lang. Kaya nga gusto ko, malinis na malinis itong kuwarto. Gusto ko wala na ang mga lata sa cabinet at sa ilalim ng kama ko. Kailangang maba-ngung-mabango itong kuwarto. Kakahiya di ba?’’
Tumango si Gaude.
“Makaya mo kaya sa loob ng isang linggo na mabilang ang mga barya?’’
Pinagmasdan ni Gaude ang talaksan ng mga lata.
‘‘Hindi po kakayanin Tito.’’
‘‘Marami kasi ano? Hindi naman kita matulungan. Ayaw ko naman na mayroong ibang tao na maka-kita sa pagbibilang.’’
“Siguro po mga dala-wang linggo kong bibilangin yan. Kaya lang kasi matagal e ihihiwalay pa ang P10, P5, P1 at mga 25 centavos.’’
“Oo nga. Iyon lang ang nagpapatagal.’’
“Titingnan ko po kung kaya kong tapusin ng isang linggo. Magsisimula ako nang maaga.’’
Nag-isip si Mau. Maya-maya, may naisip.
‘‘E kung ilipat kaya natin sa kuwarto mo ang mga lata ng barya? Kakasya kaya roon?’’
Nag-isip si Gaude. Maliit lang ang kuwarto niya.
‘‘Kasya kaya, Gaude?’’
‘‘Kung hindi po magkasya, e di itumpok na lang natin sa sulok. Parang buhangin.’’
‘‘Ibig mong sabihin, aalisin sa lata at itutumpok sa semento?’’
‘‘Opo. Kakasya sigurado ‘yan.’’
‘‘Puwede nga ano? Sige, mamayang gabi, umpisahan mo nang hakutin ang mga lata sa kuwarto mo at itumpok mo sa semento. Mas madali mo pang maihihiwalay ang P10, P5, at P1 dahil nasa sahig na.’’
“Opo.’’
“Pero huwag mong ipagsasabi kahit kanino na nasa kuwarto mo na ang mga barya ha?’’
“Opo.”
(Itutuloy)