“GALING sa kasamahan ko sa Royal Saudi Naval Forces ang text. Pumanaw na raw si Commdr. Abdullah. Cancer sa prostate daw. Kaya raw pala hindi na pumapasok sa Navy HQ ay dahil malala na ang sakit.’’
“Diyos ko! Dapat malaman ito ni Sam.’’
“Nagtatalumpati pa siya, Aya,’’ sabi ni Imelda.
“Kailangang malaman niya ngayon din.’’
“Ikaw ang bahala, Aya.’’
Lumapit si Aya sa may stage na kinaroroonan ni Sam at may sinenyas dito. Naramdaman agad ni Sam na mahalaga ang sasabihin ni Aya kaya nagpaumanhin siya sa mga bisita. Lumapit siya kay Aya.
“Sam, pumanaw na ang daddy mo. Nakatanggap ng text si Numer mula sa kanyang dating kasamahan sa Royal Navy.’’
Napatungo si Sam. Nang mag-angat ng tingin, lumuluha ito.
Napaluha rin si Aya. HinaÂwakan sa braso ang asawa.
“Tamang-tama na namatay siya sa araw ng inagurasyon ng school. Parang pinagtiyap ng pagkakataon,†sabi ni Sam.
“Oo nga, Sam. Parang hiÂnintay lang niya na matapos ang kanyang project na ito.’’
“Ipaaalam ko sa mga bisita at guro ang nangyari,†sabi ni Sam at mabilis na bumalik sa stage.
Tahimik na tahimik ang lahat nang muling magsalita si Sam. “Ipinaaalam ko po sa inyong lahat na pumanaw na ang lalaking nagkaloob ng school na ito. Hindi na po nakayanan ang kanyang sakit. Pero nasiÂsiguro ko po na nasaan man siya ngayon, maligaya siya sapagkat natupad ang pangarap niyang magkaroon ng school ang mga kabataan.
“Hinihiling ko po sa lahat manahimik tayo sumandali at mag-alay ng dasal para sa kaluluwa ni Commdr. Abdullah Al-Ghamdi.â€
Yumuko ang lahat at naÂtahimik sa loob ng ilang segundo.
“Marami pong salamat. Maaari na po tayong magsaya sa pagkakaroon ng bagong school. Pagsaluhan po natin ang mga pagkaing nakahanda. Para po sa ating lahat ito kaloob pa rin ni Abdullah Al-Ghamdi.’’
(Tatapusin na bukas)