Halimuyak ni Aya (469)

NAGPATULOY si Numer sa pagkukuwento. Tila hindi matapus-tapos ang pagkukuwento. Si Imelda naman ay excited.

“Alam mo ang sumunod na nangyari, Imel­da?’’

“Ano, Numer? Sina-sa­bik mo naman ako.’’

“Binigyan ako ng pera ni Abdullah. Makapal  ang sobre. Gamitin ko raw iyon para sa paghaha­nap kay Cristy. Sabi pa ni Abdullah, alam daw niyang mahirap ang ga­gawin kong paghahanap kaya kailangan ang ma-laking halaga. Kung kukulangin daw ay huwag daw akong mag-atubiling tawagan siya. Ibinigay ni Abdullah ang kanyang number…’’

“Naku Numer, paano ang gagawin mo?”

“Nung una, naisip kong huwag tanggapin ang pera at ipagtapat na lamang ang totoo na mayroon na akong kontak pero bigla kong naisip na baka maguluhan lang si Abdullah at kung ano ang isipin. Kaya ang ginawa ko, tinanggap ang pera at nangako na gagawin ang lahat para malaman kung nasaan si Cristy at ang anak nila. Sabi ko, uuwi ako at gagawin ang mga nais niya. Alam mo kung ano ang ginawa ni Abdullah sa sobrang tuwa?”

“Ano Numer?”

“Niyakap ako at tinapik-tapik sa likod. Para bang tiwalang-tiwala siya sa akin.’’

“E ano ang gagawin mo ngayon, Numer?”

“Aba e di uuwi ako diyan, Imelda. Tamang-tama naman na time na ng bakasyon ko.  At eksakto rin naman na gusto kitang makita. Para bang nagtiyap ang mga pagkakataon. Makikita na rin kita Imelda.’’

“Kailan ka darating, Numer?”

“Aayusin ko lang ang tiket at iba pang doku­mento, Imelda. Pati pasalubong ko sa’yo, ihahan­da ko.’’ (Itutuloy)

Show comments