“NARITO po sa tabi ko si Numer, Ate Imelda. Sinabi ko na po sa kanya ang dahilan ng iyong pagtawag. Alam na po niya ang lahat. Ang hindi lang po niya alam ay ang tungkol sa iyo…â€
“Ganun ba? Sige kausapin ko na siya. Hindi ba nakakaabala sa kanya, Tikboy?â€
“Hindi Ate. Gusto ka nga niyang makilala. Eto po siya Ate. Kayo na po ang bahalang mag-usap.’’
Ipinasa ni Tikboy ang cell phone kay Numer.
“Hello, magandang umaga, Mam Imelda. Ako si Numer.’’
“Kumusta ka Numer?â€
“Mabuti naman, Mam.’’
“Huwag nang Mam. Imelda na lang. Palagay ko ay hindi naman nagkakahuli ang age natin.’’
“Mukha nga. MaÂganda pala ang boses mo Imelda.â€
“Ikaw din, Numer. Parang sa announcer.’’
Nagtawa si Numer. “Hindi ba boses palaÂka?â€
“Hindi naman.’’
“Siguro nga magka-age lang tayo, Imelda. Ako ay 58 na. Ikaw?â€
“Ako ay ay 57.’’
“Aba magkasing-edad nga tayo.’’
“Oo. Parehong maÂlapit nang mag-senior, he-he!â€
“Malapit na rin akong palayasin siguro rito sa Saudi dahil sa Saudi-zation.â€
“Ganun ba? Hanggang anong age ba daÂpat? Pinapayagan hanggang 60. Kaya may dalawang taon pa ako.’’
“Naku kailangan pala matulungan mo na ako ukol kay Abdullah Al-Ghamdi.’’
“Oo tutulungan kita. Alam ko na ang istorya ukol kay Doc Sam at Abdullah Al-Ghamdi. Alam mo, malaki ang posibilidad na magkita silang mag-ama.’’
“Paano mo nasabi, Numer?â€
“Balak ni Abdullah na magtungo sa ‘Pinas sa darating na panahon.’’
(Itutuloy)