HINDI makapaniwala si Doc Paolo nang makita ang photo ni Abdullah Al-Ghamdi. Humanga kay Imelda sa pagsisikap na makakuha ng impormasÂyon mula kay Abdullah.
“Mataas na opisyal siya ng Saudi Navy?â€
“Opo, Doc Paolo.’’
“Bata pa pero mataas na ang ranggo. ComÂmodore ba siya?â€
“Opo. Iyon po ang sabi ng kaibigan kong si Noime. Yang picture po ay nakuha mismo ng Pinoy na employee sa Royal Navy. Kaibigan po ng mister ni Noime ang Pinoy na employee sa Royal Navy.’’
“Mabuti at hanggang ngayon ay may kaibigan ka pa sa Riyadh na tumutulong sa paghahanap kay Abdullah.’’
“Opo. Mabait po ang mga kaibigan ko. Handa pong tumulong.’’
“Di ba mayroon ka nang nakuhang picture ni Abdullah noon?â€
“Opo. Itinago po ni Sam. Bata pa po si AbÂdullah sa photo.’’
“Hindi ko nakita yun. Baka nasa kuwarto ni Sam, ano?â€
“Siguro po.’’
“Ano sa palagay mo, Imelda, makausap kaya ng Pinoy employee si Commodore Abdullah? Ang alam ko, mahigpit dun basta military installation.’’
“Oo nga raw po. Sabi po ni Noime, gagawin ng asawa niyang si Tikboy ang lahat para makakuha pa ng info kay Abdullah. MaÂhusay daw pong gumawa ng paraan si Tikboy.’’
“Ipaabot mo ang pagpapasalamat ko kay Noime at Tikboy. Siyanga pala, Imelda eto ang pera. Kahit magkano ang magagastos sa pagtawag, huwag kang mag-alala. Marami tayong magagastos sa pagtawag.’’
Kinuha ni Imelda ang pera. Ilang P1000 bills iyon. ‘Salamat po Doc. Sobra-sobra po ito.’’
“Ano kaya at makipag-communicate ka kay Noime thru Facebook.’’
“I-try ko po Doc. Sabi ni Noime, mabait at maunawain ang kanyang amo.’’
“Sige. Salamat, Imelda.’’
NANG muling tawagan ni Imelda si Noime, may bago na namang balita ukol kay Commodore Abdullah.
“Nakasalubong daw ng Pinoy na nagtatrabaho sa Royal Navy si Abdullah. Napakabait daw po nito sa mga Pinoy na empleado. Lagi raw nakangiti si Abdullah…’’
“Talaga, Noime? Ano pa? Ano pa?â€
(Itutuloy)