HINDI nagbibiro si Aya sa sinabing kinakabahan siya. Totoo iyon. Ngayong ipagkakaloob na niya ang sarili kay Sam ay mayroon siyang nararamdamang kaba pero naghahalo rin naman ang saya. Natatakot pero sa kabila niyon ay nae-excite. Paano ba ang mangyayari sa kanila ni Sam mamaya?
“Halika na, Aya,†sabi ni Sam. “Shower tayo.’’
“Sam, ngayon na ba?â€
“Sasabunin muna kita, mahal ko.’’
“Puro ka biro Sam.â€
“Talaga naman ah. Ako rin naman ay sasabunin mo.’’
Napatawa si Aya. Magsasabunan pala silang dalawa.
“Ikaw muna ang sasaÂbunin ko Aya.’’
“Bahala ka, Sam.’’
“Halika na, mahal ko.’’
“Maghuhubad lang ako, Sam.’’
“Sige. Hihintayin kita sa banyo, mahal ko.’’
Naghubad si Aya. Dinampot niya ang malapad na tuwalya at ibinalot sa katawan.
Tinungo ang banyo.
“Sam, andito na ako.’’
Pumasok siya. Nakita niyang hubad na pala si Sam. Balahibuhin pala ang dibdib ng lalaÂking mahal niya. May lahi ngang Arabo si Sam sa pagiging balbon.
Inalis ni Aya ang na-kabalot na tuwalya.
Hindi kumukurap si Sam sa pagkakatingin. Nakita na niya ang kabuuan ni Aya noon pero mas maganda ngayon. Kakaiba ngayon.
Niyakap niya si Aya. Yumakap din ito sa kanya. Hinanap niya ang labi ni Aya. Nagtagpo. Mainit na mainit ang kanilang mga labi. Nagbabaga. Ayaw maghiwalay ang kanilang mga labi.
Nang maghiwalay, nagÂhabol ng hininga paÂreho.
Ang kasunod niyon ang hindi na nila malilimutan. Naganap ang ritwal. Iyon ang katuparan ng kanilang matinding pagmamahalan. Kung kanina ay kina-kabahan si Aya, ngayon ay wala na. Kasiyahan ang pumalit doon. Walang hanggang kaligayahan. Nalasap nila pareho ang sarap ng pagmamahalan. Nasimsim lahat ni Sam ang halimuyak ni Aya.
Nang lumabas sa banyo, pareho silang walang pagsidlan sa kaligayahan.
Mahimbing na mahim-bing sila sa magdamag.
KINABUKASAN, magkatabi nilang pinagmasdan ang unti-unting pagsikat ng araw. Napakaganda ng araw. Punumpuno ng pag-asa. (Itutuloy)