^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (397)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TAHIMIK sa labas. Nagtaka si Julia.

“Sam, nasaan ka? Tapos­ na ako!”

Pero walang sumasagot. Tahimik na tahimik pa rin. Nagtataka  si Julia dahil kanina dinig na dinig niyang may tao sa labas ng banyo. May bumagsak na mabigat. Tumingin siya sa paligid. Nakita niya ang dumb bell na malapit sa pinto ng banyo. Parang nabago ng posisyon ang dumb bell. 

Nagtungo sa kitchen si Julia. Baka naroon si Sam at nagkakape.

“Sam, nariyan ka ba?”

Sumilip siya sa kitchen. Walang tao!

Nagtungo na siya sa bed­room niya para mag­bihis. Ang buong akala niya ay dumating na si Sam. May narinig siyang ingay kanina kaya buong akala niya, narito na nga si Sam. Iniwan niyang bukas ang pinto para kung dumating si Sam ay papasok na lang. Naisip kasi niya na baka naliligo pa siya sa pagdating ni Sam. Kung bukas ang pinto, maaari na siyang pumasok.

Bigla siyang lumabas para tingnan ang pinto. Nagulat siya nang makitang nakasara na iyon. Naka-lock!

Naguluhan si Julia. Hindi niya tuloy maalala kung iniwan ba niyang bukas o nakasara ang pinto. Pero tandang-tanda niya, iniwan niyang hindi naka-lock iyon. O baka naman hindi. Kung minsan, may mga naiiwan siyang nakabukas gaya ng cooking gas at gripo sa banyo. Minsan din, na­iwan niyang nakabukas ang plantsa mabuti’t naalala niya.

Nag-isip si Julia. Makakalimutin na yata siya. Pero ano ang nari­nig niyang ingay­ kanina?

Muli siyang nagtungo sa bedroom niya. Humarap sa malaking salamin. Inalis ang nakabalot na mala­king tuwalya. Pinagmasdan ang magandang katawan. Pinagmasdan ang tindig na tindig at maya­yabang na suso. Mamaya-maya lang ay pagsasa­waan ni Sam ang katawang ito. Kapag naganap iyon, sigurado na siyang pag-aari na niya si Sam. Wala nang karapatan ang talipandas na si Aya.

Dinampot niya ang botelya ng body lotion at pi­nahiran ang mga braso. Pagkaraan ay ang mga hita at binti. Itinaas niya ang mga paa sa maliit na upuan para mapahiran ang mga hita. Paulit-ulit ang pagpahid niya.

Lingid kay Julia, may dalawang mata na naka­tingin sa kanya. Halos lu­muwa ang mga mata.

Matapos magpahid ng lotion ay nahiga si Julia sa kama. Lalong lumuwa sa pagkasabik ang mga mata!

(Itutuloy)

AYA

JULIA

NAGTUNGO

NIYA

PERO

PINAGMASDAN

SAM

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with