Halimuyak ni Aya (360)

“HELLO, Doktora,” sabi ni Sam.

“Hello Sam, pa­sen­siya kung naka­abala ako,” sabi ni Doktora na mara-hang-marahan ang pagsasalita. Malamig na malamig ang boses.

“Naku hindi po. Okey lang po,” sabi  ni Sam at tinapunan ng tingin si Julia na noon ay nakatayo malapit sa kanya. Nagtataka si Julia kung sino ang kausap ni Sam.

“Gusto ko kayong imbitahan ni Aya. Pero hindi ko sasabihin kung bakit. Sorpresa ko sa inyong dalawa.’’

“Opo sige po. Kailan po ba Doktora?”

“Gusto ko nga-yong gabi.’’

Nagulat si Sam. Ngayong gabi? Na-patingin uli siya kay Julia. Tila naiinis na si Julia.

“Ngayon na po, Doktora?”

“Oo. Gusto ko, pumunta kayong dala-wa ni Aya ngayon sa bahay ko.”

“Opo Doktora. Pupunta po kami.’’

“Pasensiya ka na Sam kung bakit nga-yong gabi ko gustong pumunta kayo. Basta mahalaga ang sasa­bihin ko sa inyong dalawa. Huwag sana ninyo akong biguin. Ipangako mo Sam, hihintayin ko kayong dalawa ni Aya….’’

“Opo. Pangako po Doktora. Darating po kami Doktora.’’

“Basta sabihin mo kay Aya may maha-laga akong sasabihin. Napakahalaga, Sam.’’

“Opo, Doktora. Pupunta po kami.’’

“Salamat Sam.’’

“Sige po, darating po kami.’’

Nawala ang boses ni Dra. Sophia.

Makaraang mag-usap ay tila natulala si Sam.

“Sino ba yun Sam? Istorbo naman! Kung kailan mayroong ginagawa saka tumawag!” sabi ni Julia na yamot na ang boses.

Pero tila wala nang naririnig si Sam. Di­nampot sa kama ang hinubad na polo. Si-nuot.

“Sam, ano ba?”

Pero lumabas si Sam. Hinanap ang sapatos at sinuot.

“Sam anong nangyayari sa’yo? Bakit nagbibihis ka na?”

“May mahalaga kaming pupunta-han, Julia. Mahala-gang-mahalaga!”

“Ano yun?’’

Hindi sumagot si Sam. Inayos ang sarili. Humanda sa pag-alis.

“Sino ba ang tumawag sa’yo? Bakit bigla ka na lang aalis? Paano ako?”

“May mahalaga kaming pupunta-han!”

“Huwag kang uma­lis, Sam!”

“Aalis ako!”

Humakbang si Sam patungo sa pinto. (Itutuloy)

 

Show comments