Halimuyak ni Aya (334)

LUMINGON si Sam. Si Jaime ang tumawag sa kanya. Si Jaime ang drayber ni Dr. Sophia del Cruz, asawa ni Dr. Paolo na papa ni Aya.

“Jaime!” sabi ni Sam.

Lumapit si Jaime.

“Akala ko, nalimutan mo na ako Sam.”

“Imposibleng malimutan kita, Jaime.’’

“Kumusta, Sam?”

“Mabuti naman. Teka, nagmamadali ka ba, Jaime?”

“Hindi naman.”

“Halika muna, magmeryenda tayo roon sa restaurant na ‘yun.’’

Sumama si Jaime.

Umorder ng dalawang hamburger si Sam at dalawang kape. Magkaharap silang dalawa sa table.

“Kumusta Jaime. Ilang buwan din tayong hindi nagkita.”

“Mga isang taon yata o kulang na isang taon.”

“Parang mag-iisang taon, Jaime. Kasi matatapos na ako. Next March ay ga-graduate na ako.’’
“Oo nga. First sem nung magkakilala tayo.”

“Kumusta si Dra. Sophia. Hindi na ako naka­dalaw sa kanya. Di ba nung huli tayong magkita ay maysakit siya.’’

“Oo nga akala ko da-dalaw ka.’’

“Hindi ko na nagawa kasi, namatay ang lolo at lola ko. Halos magkasunod.

“Ganun ba?”

“Nauna si Lola at ma-kalipas ang ilang buwan si Lolo naman.’’

Napatango si Jaime.

Nagtanong uli si Sam. “Si Doktora, kumusta naman. Hindi na siya nagturo sa unibersidad ano? Lagi kong inaabangan kung magiging prof uli namin ’’

“Nag-retire na siya, Sam.”

“Ganun ba? Kaya pala hindi ko na nakita.”

“Hindi na siguro niya kayang magturo.’’

“Ano ang ginagawa ni Doktora ngayon?”

“Nagsusulat ng libro.’’

“Mabuti naman. Mali­libang siya sa pagsusulat.’’

“Ilang libro na ang nasusulat niya, Sam. Pawang mabenta. Yung isang libro ay sinulat sa Tagalog. Pawang helpful tips ba?”

“Okey yun. Bibili nga ako.”

“Kung dinadalaw mo siya e di baka bigyan ka ng complimentary.”

“Hayaan mo at kapag natapos ko ang thesis ko, baka dalawin ko siya. Kilala pa kaya niya ako, Jaime?”

“Oo naman. Sinabi ko sa kanya na sinamahan mo ako sa Dean’s Office nung magdala ako ng letter niya. Hindi malilimutin si Doktora. Matalino si Doktora.’’

Natigilan si Sam. May­ roon siyang gustong ita­nong pero nagdadalawang-isip siya.

Hindi rin siya nakatiis.

“E ano namang balita kay Dr. Paolo, yung husband ni Doktora?”

“Nasa America pa rin daw. Yun lang ang alam ko. Kasi’y ayaw magkuwento ang mga kasama kong maid sa bahay. Sigu­ro ay wala rin silang alam ukol kay Dr. Paolo.’’

“Nagpapraktis kaya ng propesyon sa America si Dr. Paolo?”

“Hindi ko alam. Di ba hindi naman basta-basta makakapag-praktis dun?’’

Napatango si Sam.

Gabi na nang lumabas sila sa restaurant.

“Sige Jaime, magkita uli tayo. Iti-text kita kapag dadalawin ko si Doktora.”

“Sige Sam. Salamat sa meryenda.”

Naghiwalay na sila.

Pagdating ni Sam sa bahay ikinuwento ang pagkikita nila ni Jaime.

Parang nasabik si Aya.

(Itutuloy)

 

Show comments