NAKAKA-DISTRACT ng pagbabasa niya ang magagandang hita ni Aya. Sa halip na sa binabasang Medical book nakatuon ang kanyang atensiyon ay sa makikinis na hita ni Aya siya napapatingin. Noon pa ay ganito nang mahiga si Aya. Nakatagilid kung humiga kaya nalilislis ang manipis na pantulog at nalalantad ang mga hita. Hindi naman niya ito mapagsabihan na huwag maging burara sa pagtulog. Baka naman sabihan siya na napaka-conservative. Palibhasa ay laking probinsiya.
Pero nang hindi na matiis ni Sam ang nakaka-distract na tanawin sa kama ay tumayo siya at nilapitan si Aya. Dinukwang ang kumot at itina-kip iyon kay Aya.
Nagising si Aya sa pagkukumot niya. Nakatingin kay Sam na parang nananaginip.
“Kinumutan kita. Masyadong malamig ang aircon.’’
“Salamat. Hindi ka pa ba matutulog?â€
“Maya-maya pa. Matatapos na ang pagbabasa ko,†sabi ni Sam at bumalik sa study table niya.
Pero kahit wala nang nakakadistract na tanawin, patuloy pa rin ang nasa isip ni Sam ay ang kalagayan nila ni Aya. Paano kaya ang gagawin niya ritong pagtatapat ng pag-ibig? KausaÂpin kaya niya nang maÂsinÂsinan? Hindi kaya magÂtaka? MagaÂlit kaya?
Gagawin lamang niya iyon kapag nakapasa na siya sa pagdodoktor. Kinuwenta niya ang mga taon na bubunuin. Sa isang taon ay gagra-duate na siya. Tapos mag-rerebyu para sa Medical Board Exam. Dalawang taon pang mahigit. Kaya niyang magtiis at magkontrol sa damdamin. Maikli lang ang dalawang taon.
NASA school si Sam nang biglang tumawag si Lolo Ado. Malungkot ang boses nito. Pinauuwi siya. Malubha raw si Lola Cion. Baka hindi na raw niya ito abutan.
“Sige po Lolo, darating po ako!â€
(Itutuloy)