HINDI na itinuloy ni Sam ang balak na pagdalaw kay Dra. Sophia Del Cruz. Sinunod niya ang payo ni Aya na huwag nang magkaroon pa ng kaugnayan sa dating asawa ni Doc Paolo. Naunawaan niya ang sitwasyon ni Aya. Ayaw na rin nitong may malaman pa ukol sa naging buhay ng ama. Tama si Aya na may sari-sarili na silang buhay. Gusto ni Aya na pagtuunan na lamang ang sariling buhay --- at siguro ang kanilang magi-ging buhay sa hinaharap.
Hindi na pumasok sa kanilang klase si Dra. Del Cruz. May iba nang propesor na nag-handle ng subject nito. Naisip ni Sam na siguro’y hindi na kayang magturo ng doktora. Baka makadagdag lamang ito sa bigat nang mga dinadalang problema. Ayon nga sa drayber nitong si Jaime, maaaring ang paghihiwalay ni Doktora at asawang si Doc Paolo ang dahilan kaya nagkasakit. Mula raw nang maghiwalay ang dalawa ay naging malungkutin ang doktora. Awang-awa nga raw si Jaime kay Doktora. Napakabait daw nito para iwan ni Doc Paolo at sumama sa ibang babae.
Gusto ni Sam na i-text si Jaime para makabalita sa nangyari kay Dra. Del Cruz pero hindi na niya ginawa. Alang-alang din iyon sa pakiusap ni Aya na huwag nang magkaroon pa ng ugnayan sa naging karelasyon ng ama. Susundin niya ang mga kahilingan ni Aya na huwag nang makipag-ugnayan pa kay Doktora.
ISANG gabi, mga alas sais, puspusang nagrerebyu si Sam para sa kanyang exams nang kumatok, sunud-sunod na tila nagmamadali. Maghapong wala si Aya sa unit nito.
‘‘Sam! Buksan mo ‘to Sam!’’ sabi nito na parang may humahabol.
Mabilis na binitiwan ni Sam ang libro at binuksan ang pinto.
“Parang may huÂmahabol sa’yo kung makakatok ka!’’
Nakatawa si Aya. Nangingislap ang mga mata. Bihis na bihis si Aya na halatang galing sa isang mahalagang okasyon.
‘‘May trabaho na ako, Sam!’’ sabi at yumakap kay Sam.
‘‘Talaga? Kailan ka nag-aplay? Akala ko ayaw mo munang mag-aplay?’’
Bumitiw si Aya sa pagkakayakap kay Sam.
‘‘Nag-aplay ako nang hindi mo alam. Nakita ko ang ad sa diyaryo. Basta subok lang, aba tinanggap ako.’’
“Anong trabaho mo?’’
“Typesetter-Encoder sa isang publication. Yung taga-type ng mga kung anu-anong documents, releases, job notice, extrajudicial….’’
‘‘Ah, e di mabuti. Hindi ka naman kaya mahirapan. Baka ma-stress ka.’’
“Hindi.’’
“Kasi nga kahit hindi ka naman magtrabaho, hindi ka magugutom dahil mara-ming perang iniwan si Mama Brenda.’’
“Gusto kong magtrabaho, Sam. Naiinip ako rito sa condo. At saka naisip ko, paÂano ako sa future. Kailangan kong kumita para sa sarili ko. Yung pamana ni Mama, mauubos yun kung hindi ako kikita. Kailangang may pumasok. At saka nahihiya ako sa’yo. Hindi magtatagal, magiging doktor ka at ako walang nangyayari sa buhay. Kawawa naman ako…’’(Itutuloy)