Halimuyak ni Aya (294)

“KUMUSTA Jaime?” bati ni Sam sa drayber ni Dra. Sophia del Cruz.

“Mabuti naman, Sam.’’

“May sakit nga ba si Doktora. Ilang araw na kasing hindi pumapasok?”

“Oo. Maysakit siya. Mag-iisang linggo na. Dadalhin ko nga sa Dean’s Office ang letter na ito,’’ ipinakita ang brown envelope.

“Anong sakit ni Doktora?”

“Hindi ko alam. Basta ang tingin ko ay laging matamlay. Para bang stress na stress siya. Tingin ko, epekto ng ginawa ni Doc Paolo.’’

“Kawawa naman si Doktora,’’ sabi ni Sam.

“Oo nga, Sam. Ako awang-awa. Napakabait kasi niya.’’

“So hindi mo alam kung kailan siya papasok?”

“Hindi Sam.’’

Papasok na sila sa Medicine Bldg.

“Saan ba ang Dean’s Office, Sam?”

“Halika at sasamahan na kita, Jaime. Nasa second floor ang Dean’s Office.’’

“Salamat, Sam.’’

Habang naglalakad patungo sa second floor, nagkukuwentuhan pa rin sila.

“Sa pa­ lagay mo saang bansa naroon si Doc Paolo?”

“Sa Ca­nada.”

Hindi na nagtanong si Sam. Baka may makari­nig sa ka­nilang pag-uusap.
Nagpatuloy sila sa pag­lalakad. Kumaliwa sila. Nakita nila ang malaking karatulang DEAN’S OFFICE.

“D’yan ang Dean’s Office, Jaime. Samahan pa kita sa loob?”

“Pakisamahan mo nga ako Sam. Kasi mahiyain akong magtanong.’’

“Halika sa loob?”

Pumasok sila.

Si Sam na ang nagtanong sa staff doon kung kanino ibibigay ang letter ni Dra. Del Cruz. Sa Secretary daw. Itinuro ang room. Tinungo nila ni Jaime ang room.

Kumatok muna si Sam at saka sila pumasok sa room. Nakita nila ang isang lalaki. Iyon ang secretary. Ngumiti nang makita sila. Si Jaime na ang nag-abot ng letter sa secretary. Binuksan at binasa. Tumangu-tango ito at saka pinirmahan ang duplicate ng sulat at binigay kay Jaime. Nagpaalam na sila.

“Salamat Sam ha.”

“Okey lang, Jaime.’’

“Baka gusto mong dalawin si Doktora. Matutuwa yun.”

Hindi makasagot si Sam.

(Itutuloy)

Show comments