^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (273)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Sam na dapat ay magkaroon na nga sila ni Aya nang sariling tirahan. Maaaring dumating ang panahon na paalisin sila rito sa apartment sapagkat hindi naman ito pag-aari ni Dr. Paolo del Cruz  na ama ni Aya. Maaaring isang araw bigla na lamang may dumating at sasabihing umalis na sila. Wala silang magagawa. Hindi puwedeng ikatwiran na pinatira sila roon ni Dr. Del Cruz. Hindi rin maaaring sabihin na anak ni Dr. Del Cruz ang nakatira roon.

Noon pa, sinabi na ni Aya ang balak na iyon. At ngayon, kailangang isa­katuparan na nila. Isa pa, wala na nga silang kontak kay Dr. Del Cruz. Nag-graduate si Aya at hindi ito dumalo. Ni hindi tumawag o nag-text. Maaaring umiiwas na dahil nabibisto na ng asawa nito. Sabagay inamin naman ni Dr. Del Cruz na wala siyang magawa para mabigyan ng atensiyon si Aya. Kaya nga ipinagbilin nito sa kanya si Aya. Siya na raw ang bahala kay Aya. Mula nang magkita sila ni Dr. Del Cruz sa ospital, hindi na sila nagkita.

ALAS SINGKO na ng hapon nang dumating si Aya. Nasa bahay na si Sam. Halatang pagod na pagod si Aya.

“Natanggap ka sa inaplayan mo, Aya?”

“Tatawagan na lang daw ako,’’ sabi nito at ibi­nagsak ang katawan sa sopa.

“Gusto mo nang ku-ma­in? Nagluto na ako.’’

“Sige.’’

“Habang kumakain, pag-usapan natin ang pagbili ng condo. Ituloy na natin ang balak.’’

Natuwa si Aya sa sina-bi ni Sam. Kumislap ang mga mata. (Itutuloy)

AYA

CRUZ

DEL

DR. DEL CRUZ

DR. PAOLO

HABANG

HALATANG

MAAARING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with