MULING sinubukan ni Sam na gisingin si Aya para maÂkapagpalit ng damit at para makainom ng gamot.
Bahagyang tinapik-tapik. “Aya! Aya!†sabi niya.
Pero tulog na tulog. Bahagya ay narinig niya ang ungol nito. Dahil siguro sa init ng katawan. Masamang-masama ang nararamÂdaman.
Dinama niya ang noo at leeg. Mainit. Hinipo ang blusa sa dakong likuran. Basa sa pawis. Delikadong matuyuan ng pawis.
Nagpasya si Sam na palitan ng damit si Aya. Kumuha muna siya sa cabinet ng pantulog ni Aya. Pati panty ay kumuha siya. Inihanda na niya lahat.
Pagkaraang maihanda ang mga damit ay marahan niyang tinanggal ang mga butones ng puting blouse nito. Dahang-dahang hinubad ang blusa pagkaÂtapos. Nalantad ang makinis na katawan ni Aya. Flawless. Alagang-alaga ang kutis. Pagkaraan ay ang bra naman ang tinanggal niya. Iginalang niya si Aya. Hindi niya pananaigin ang pagnanasa sa pagkakataong ito. Mahal niya si Aya kaya patuloy niyang igagalang. Naalis niya ang bra ni Aya. Tumambad. Super talaga!
Pero gaya ng pangako ni Sam sa sarili, hindi mananaig sa kanya ang pagnanasa. Iingatan niya at hindi sisirain ang pagtitiwala ni Aya.
Kinumutan niya si Aya nang mahubaran.
Piniga niya ang bimpo na nakababad sa maligamgam na tubig sa plastic tray. PinuÂnasan niya ang mga kilikili ni Aya. Isinunod ang puno ng taynga. Naalala niya ang turo ni Lola Cion noong lagnatin siya at pinunasan nito. Ang init ng katawan ay nasa mga nakatagong bahagi ng katawan gaya ng kilikili at singit. Sa lola rin niya natuÂtuhan ang pagpatak ng alcohol sa maligamgam na tubig. Kung wala raw alchohol, puwede ang suka. Nakakababa raw ng lagnat ang paglaÂlagay ng alcohol o suka. Ang problema sa suka ay amoy maasim ang pinupunasan. Ayaw niyang magmukhang maasim si Aya.
Pinunasan niya ang braso, dibdib at likod ni Aya.
Pagkatapos ay ang palda naman nito ang hinubad niya. Pagkatapos ay ang panty. Muli, pinigil ni Sam ang sarili na manaig ang pagnanasa sa minamahal na babae. Hindi ngayon ang tamang panahon. Pero hangang-hanga siya sa nakita kay Aya. Perfect talaga!
Piniga niya uli ang bimpo at pinuÂnasan ang mga hita at binti ni Aya. MaÂingat na maingat siya habang ginagawa iyon.
Dumako ang bimpo sa itaas ng hita. Maingat na maingat si Dick habang papalapit sa “pinaka-iingatan†ni Aya. Padampi-dampi lamang ang ginawa niya sa dakong iyon. Gusto niya ay mapreserba ang bahaging iyon hanggang sa dumating ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. Hindi ngayon.
Natapos ang pagpupunas. Halos lahat nang bahaging nakatago ay napunasan niya. Tiyak na sisingaw ang init at bababa na ang temperature ng katawan ni Aya.
Binihisan niya ito. MaÂingat na maingat nang isuot ang panty.
Pagkaraan ay kinuÂmuÂtan niya. Mahimbing na maÂhimbing pa rin si Aya. Tingin ni Sam, nakadama na ito ng ginhawa.
Lumabas na siya ng bedroom. Ipaghahanda niya ng soup si Aya.
(Itutuloy)