IPINATONG ni Sam ang itim na backpack sa kama, sa may paanan ni Mama Brenda.
“Pera ang laman ni-yan, Sam. Para sa inyong dalawa ni Aya. Para sa pag-aaral n’yong dalawa. Alam ko marami ka pang gagastusin bago makatapos ng pagdodoktor. Alam ko rin na matatanda na sina Nanay Cion at Tatay Ado at hindi na maÂkapagtatrabaho…’’
“Salamat po, Mama Brenda.’’
“Sapat na sapat sa paÂlagay ko ang perang yan sa inyong dalawa.’’
“Pero mayroon ka pa pong binigay sa akin noong magtungo kami rito. ‘Yun pong nasa clutch bag…’’
“Kasama yan. Matagal kong inipon yan.’’
“Alam po ni Janno ang tungkol dito?â€
“Hindi. Malaking pro-blema kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol diyan,†sabi ni Mama Brenda.
“Baka po maging dahilan ng inyong pag-aaway ang tungkol dito, Mama Brenda…â€
“Huwag mo nang isipin ang tungkol dun. Basta ang mahalaga ay nasa iyo na ang perang yan at bahala ka nang mag-ingat.â€
“Opo, Mama Brenda.’’
“Huwag mong pababa-yaan si Aya, Sam.â€
“Opo.â€
Maya-maya, may luhang nag-uunahang umagos sa mga pisngi ni Mama Brenda.
“Alam mong kinatatakot ko, Sam?â€
“Ano po?â€
“Baka hanapin ni Aya ang kanyang ama. Ayaw ko sanang mangyari iyon pero maaari ko ba siyang pigilan. Wala rin akong magagawa. Sana hindi naman maging kawawa ang anak ko sakali at mangyaring magkita sila…â€
Napatango na lang si Sam. Gusto niyang sabihin na nangyari na ang kinatatakutan niya.
“Sige Sam, tawagin mo na si Aya.â€
Tinawag ni Sam si Aya sa labas.
“Ano na namang sekÂreto ang pinag-usapan n’yo?†tanong ni Aya nang makapasok.
“Si Sam na lang ang tanungin mo.’’
“Ano ba ‘yun ‘Ma? Ang tagal n’yong nag-usap.’’
“Bahala na si Sam, Aya.â€
Tiningnan ni Aya si Sam. (Itutuloy)