Halimuyak ni Aya (241)

“PARANG may bumato sa dingding, Julia,’’ sabi ni Sam.

“Wala yun! Huwag mong intindihin.”

“Baka mayroong magnanakaw?”

“Wala!”

Hinagilap ni Julia ang labi ni Sam at hinalikan. Tuloy ang halikan nila. Gumapang muli ang kamay ni Sam sa manibalang na mga papaya. Nagpaubaya pa si Julia. Nakukur-yente na si Sam. May dumadaloy nang bulwak ng init sa kanya dahil sa ginagawa nila ni Julia. May nag-uutos sa kanyang ang “kaangkinan” naman ni Julia ang kanyang pagkaabalahan. At tiyak ni Sam na hindi tututol si Julia. Baka nga hinihintay lamang ni Julia na gawin niya ang pagsaliksik sa “kaangkinan’’. Pero nag-iisip si Sam, pagkatapos ni­yang masaliksik iyon, baka ang sumunod ay mas matindi na. Baka ihiga na niya si Julia sa sopa at doon na maganap ang inaasam ng katulad niyang lalaki. Maaaring may mangyari na sa kanila ni Julia. Tiyak na kapag natikman niya si Julia, uulitin nila iyon. Gusto niya at gusto rin ni Julia. At paano kung mabuntis si Julia. Tiyak na mabubuntis niya si Julia. Kapag nang­yari iyon, sira na ang pangarap niyang maging doctor. Hindi na siya makakapagpatuloy ng pag-aaral dahil pipilitin siyang pakasalan si Julia. Na-imagine niya na iiyak si Lolo Ado at Lola Cion. Hindi niya tinupad ang pangarap sa dalawang matanda.

At ano ang mukhang ihaharap niya kay Aya at kay Mama Brenda? Bakit ginawa niya iyon? Bakit nambuntis siya?

Bigla na namang   may bumato sa dingding at nabaklas muli sa isa’t isa ang dalawa.

“Binabato ang bintana. Sinasadya na, Julia.”

“Sabi nang huwag mong intindihin yun. Baka yung mga walang magawang kapitbahay.’’

“Hindi kaya nasisilip tayo rito.”

“Hindi!”

Akmang yayakap si Julia.

“Palagay ko may sumisilip sa atin at yun ang bumabato. Tingnan mo muna.’’

“Nakakaasar ka, Sam.’’

“Baka sarap na sa­rap sa panonood sa atin.’’

Tumayo si Julia at nagtungo sa bintana. Sumilip.

“Wala Sam.”

Hanggang sa mari-nig nila na may nagbukas ng gate.

“May dumating, Julia.’’

Sinilip ni Julia.

“Sina Ate.’’

Nakahinga nang maluwag si Sam.

“Aalis na ako, Julia.’’

“Mamaya na. Okey ka naman kay Ate, Sam. Kahit dito ka na matulog.”

Ibang klase talaga si Julia. Gustong matuloy ang nangyari kanina.

(Itutuloy)

Show comments