NAUNA sa pagpasok si Aya. Nagtataka pa rin kung bakit napakadilim sa bahay ni Sam. Si Sam ay nanatili sa may pinto at ang isang kamay ay hinahagilap naman ang switch ng ilaw.
“Brownout ba talaga, Sam?â€
“Siguro.’’
“Paano mo ako mapapakain ng niluto mo?â€
“Puwede namang kandila di ba?â€
“Nasaan ang kandila?â€
“Hahanapin ko. Relaks ka lang.â€
“Ang dilim lang kapag ganito ang tirahan. Wala kang makita kahit kaunting liwanag.â€
“Mabuti pa ipikit mo muna ang mga mata mo.â€
“Bakit?â€
“Basta. Sige na. MagsiÂsindi ako ng kandila.’’
“Ang daming arte nito.â€
“Pikit na Aya.’’
“Sige na nga.â€
Pumikit si Aya.
Dali-dali namang ini-on ni Sam ang switch ng ilaw. Biglang lumiwanag.
“Sige magmulat ka na!â€
Nagmulat si Aya.
Gulat na gulat siya nang makita ang nakaupo sa sopa.
“Papa!â€
Nagtatawa si Dr. Del Cruz sa ekspresyon ni Aya.
“Ang daya n’yo. Pinagka isahan n’yo ako.â€
Nilapitan ni Aya ang ama at hinalikan.
“Anong pakulo ito, Papa? At bakit alam mo itong niliÂpatan ni Sam.â€
“Si Sam ang magsasabi sa iyo ng pakulong ito.â€
Binalingan ni Aya si Sam.
“Uy Samuel, ano ba ito?â€
“E birthday lang naman ng papa mo ngayon.â€
“Birthday?â€
“Oo.â€
Binalingan ang ama. “Birthday mo Papa?â€
“Oo. Marami akong dalang pagkain. Nasa mesa. Halina na kayo at kumain na tayo. Habang kumakain, saka tayo magkuwentuhan.’’
Muling hinalikan ni Aya ang ama.
“Happy birthday Papa. Kung alam kong birthday mo, sana naibili kita ng regalo.’’
“Okey lang. Itong pagkikita natin, e napakalaÂking regalo na sa akin Aya. Natupad din ang matagal ko nang dasal na magkita tayo.â€
Tumulo ang luha ni Aya dahil sa sinabi ng ama.
(Itutuloy)