^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (130)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘AKALA ko sasabihin  mo na kay Mama Bren-da ang napapansin mong kakaiba kay Tito Janno,’’ sabi ni Sam.

“Sasabihin ko na nga sana, kaya lang nakapagpigil pa ako. Pero sa sunod na mapansin ko uli ang manyakis na malagkit ang tingin sa akin, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.’’

‘‘Paano ba kung tingnan ka?’’

“Tingin na para bang gusto akong hubaran. Yun bang tingin na may pagnanasa. Di ba nga sinabi ko sa’yo yung sexual desire. Matinding pagnanais na makatalik o malambutsing o kung anumang tawag dun. Ganun…’’

“Hindi ka naman nagsusuot nang maikling-maikli. Di ba ngayon ay uso ang short na halos kita na ang kuyukot…’’

Napatawa si Aya sabay tampal si Sam.

‘‘Ay ano bang word yan, he-he!’’

“Hindi ka nagsusuot ng ganoon kaikli?’’

“Dati nagsusuot ako. Pero mula nga noong napansin ko na malagkit at may pagnanasa ang tingin ng manyakis, hindi na.’’

“Nagandahan siguro sa legs at hita mo.’’

“Ewan ko.’’

“Sabi mo hinahabol ka pa ng tingin.’’

“Oo. Gaya nga noong minsan na lumabas ako ng banyo. Nakatapi ako ng tuwalya at halos kita ang hita ko, aba nakita ko sa may labas ng banyo na nakatayo at nakatingin sa akin. Parang alam niyang ako ang nasa loob at hinihintay ang paglabas ko. Malay ko nga kung binobosohan ako nun.’’

Napatangu-tango si Sam.

“Bukod doon ano pa napansin mo?’’

“Kapag nakatungo ako, nahuhuli kong nakatingin dito sa breast ko. Tapos biglang aalisin kapag napansin na nahuli ko ang pagtingin. Manyak nga yata at gustung-gusto ang mga tulad kong tinedyer. Parang sabik sa bubot na bunga…’’

“Dapat nga pala talagang sabihin mo kay Mama Brenda. Duda na rin ako. Baka pagnakatiyempo ay kung ano ang gawin sa’yo.’’

“Kapag nahuli kong nagnanasa na naman sa akin, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.’’

“Dapat nga ganun ang gawin mo.’’

‘‘Mabuti nga at sa bahay ka titira Sam, at least may kasama kami. Pero kung papayag si Mama, hihiwalay tayo ng tirahan. Ayaw kong kasama ang manyakis.’’

Napatango si Sam.

Nang maubos ang kanilang inorder, nag­yaya na si Aya na luma­bas.

‘‘Halika na. Ipapasyal pa kita sa iba pa.’’

Lumabas sila sa restaurant. Naglakad. Palapit na sila sa department store nang mayroon silang makita. Si Tito Janno, may kasamang tinedyer. Nakaakbay. Maganda at sexy ang babae.

(Itutuloy)

AKO

AYA

DAPAT

KAPAG

MAMA BREN

MAMA BRENDA

PERO

SI TITO JANNO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with