“LOLO anong nangyari kay Mama Lina?†tanong ni Sam makaraang ibalita ni Tatay Ado ang nangyari kay Lina.
“Nasa ospital daw.â€
“Bakit Lolo?â€
“Binugbog yata ng asawa niya. Yung si Kardo.â€
“Salbahe siya Lolo. Nakita ko kahapon na kinaladkad si Mama Lina. Nasaktan si Mama Lina. Kawawa naman.â€
“Huwag kang gagaya kay Kardo paglaki mo ha? Masama yun. Bad.â€
“Hindi ako bad, lolo.’’
“Ganyan nga. Ang babae ay minamahal at hindi sinasaktan. Gaya ko, mahal ko si Lola. Hindi ko siya sinasaktan kahit kailan. Mahal ko si Lola mo,’’ sabi at tumiÂngin kay Nanay Cion na nasa di-kalayuan.
“Ako rin gagaya sa’yo Lolo. Hindi ko rin saÂsaktan si Aya. Mamahalin ko siya.â€
Napahalakhak si Tatay Ado. Maski si Nanay Cion ay nagtawa rin.
“Aba at talaga palang mahal mo si Aya, Sam.â€
“Opo. Pakakasalan ko siya.â€
Lalo pang nagtawa si Tatay Ado. Nagkunwari siyang naniniwala sa sinasabi ni Sam.
“Saan naman kayo titira ni Aya?â€
“Dito.â€
“Dito sa bahay natin.â€
“Oo.â€
“Bakit dito?â€
“Para kasama namin kayo ni Lola. At saka ayaw kasi ni Aya sa Maynila. NataÂtakot daw siya sa kanyang Papa Janno.’’
Hindi agad nakapagsaÂlita si Tatay Ado. Maraming nalalaman si Sam kay Aya. Nagkukuwento si Aya kay Sam kapag dumadalaw. At laging kinukuwento ang tungkol sa asawa ni Brenda na si Janno. Natatakot daw si Aya kay Janno.
Napansin ni Tatay Ado na nalungkot si Sam nang maalala si Aya.
Pagkatapos makipag-usap kay Tatay Ado ay nagtungo si Sam sa bintana at tumanaw doon. Hinihintay ang pagdating nina Aya.
Pero ilang araw na niyang inaabangan sina Aya ay hindi ito dumaÂrating. Lungkot na lungkot siya. Gusto na niyang makita si Aya.
At nangako siya na kapag dumating si Aya, pipilitin niya ito na huwag sumama kay Mommy Brenda sa pag-uwi sa Maynila. Iiyak siya nang malakas para mapilit si Mommy Brenda na huwag itong isama paÂbalik. Sana, ginawa na niya iyon noong huling umuwi rito. Para magkasama na silang dalawa rito.
(Itutuloy)