Halimuyak ni Aya (54)

“SABI ni Brenda, dadalaw uli siya rito ngayong buwan. Pangako niya kay Sam, uuwi silang mag-ina,” sabi ni Nanay Cion kay Lina.

“Sana nga po ay umuwi siya Nanay. Magpapatulong ako na makakuha ng trabaho sa Maynila. Dadal­hin ko ang anak ko roon. Iiwan ko na ang walanghiya kong asawang si Kardo. Hindi ko na po talaga kaya, Nanay Cion. Nambababae na ay nananakit pa.’’

“Sige at sasabihin ko kay Brenda.”

“Si Brenda na lang si­guro ang pag-asa ko. Hin­di naman niya siguro ako pababayaan. Tinulungan ko naman siya noong “nag­tago” rito sa inyo.”

“Oo, tutulungan ka ni Brenda, Lina. Mabait si Brenda.”

“Kapag po natulu-ngan ako ni Brenda na makapagtrabaho sa Maynila, siguro ay malilimutan ko na ang masasamang karanasan ko sa     aking asawa. Matatahimik na siguro ang buhay na-ming mag-ina. Basta malagay ko lang sa ayos ang buhay ng anak ko, okey na  sa akin.”

“Talaga bang ayaw mo nang makisama kay Kar-do, Lina?”

“Suko na po ako, Nanay Cion. Okey lang po na mahirap ang buhay namin at matitiis ko iyon pero ang lokohin nang harap-harapan at saka sasaktan pa, sobra na po iyon.”

Naka­ti­ngin lang si Nanay Cion. Naaawa kay Lina. Bakit nga ba kaila-ngang lokohin ni Kardo si Lina e napakabait nito. Wala siyang masasabi kay Lina. Bukod sa maganda na ito ay ma­bait pa ito at mapagkakatiwalaan.

“Hindi ko na kaya, Na-nay. Ayaw ko na pong ma­kisama kay Kardo.”

Hustong natatapos ni Lina ang pagsasalita nang biglang may tumawag mula sa labas ng bahay.

Nang tingnan ni Nanay Cion at Sam, nakita nila si Kardo. Galit. Nakatayo ito sa may pintuan.

“Halika na Lina. Huwag ka nang umarte-arte pa!” sabi ni Kardo na hindi man lamang nagbigay-galang kay Nanay Cion. Walanghiya talaga.

“Ayoko!” sabi ni Lina.

“Huwag kang maarte ha? Baka hindi kita ma-tantiya e kung ano ang magawa ko sa’yo!”

“Ayoko nang makisa-ma sa’yo!”

“Aba’t talagang hina-hamon mo ako ha?”

Pumasok si Kardo sa bahay.

“Kardo!” (Itutuloy)

Show comments