^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (16)

Pilipino Star Ngayon

MULI itinigil ni Tatay Ado ang pagbabasa sa sulat ni Imelda. Kinakabahan siya. Totoo nga yata ang kanyang naiisip. Hindi yata totoong ginahasa si Cristy!

Itinuloy ni Tatay Ado ang pagbabasa.

“Pinasok ka sa banyo ni Abdullah at may nangyari sa inyo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo, Cristy. Kasi’y lagi kitang pinaaalalahanan. Madalas kitang bigyan ng babala na huwag na huwag makikipagmabutihan sa amo mong tinedyer. Sabi ko sa’yo, isipin mo ang iyong asawang si Philipp. Sabi mo, kakakasal pa lang ninyo.

Pero yun pala ay may nangyari na sa inyo ng tinedyer. At ang pansin ko sa’yo parang masaya ka pa nang ikuwento sa akin ang nangyari.

Natatandaan ko pa ang sinabi mo, naliligo ka nang tanghaling iyon. Masarap maligo dahil mainit ang panahon. Hubo’t hubad ka nang maligo kahit pa sinabi ko sa’yong magpanty o mag-daster ka. Kasi nga’y hindi mo masisiguro ang nasasaisip ng tinedyer na si Abdullah.

Sabi mo, may kumatok sa pinto ng banyo at agad mong binuksan. Si Abdullah ang nakita mo. Nakangiti sa’yo si Abdullah. At sabi mo, wala kang nadamang takot. Ni hindi mo nga naisip na hubo’t hubad ka at nakikita ni Abdullah ang basa mong katawan. Pero sa halip na isara mo ang pinto ng banyo ay hinayaan mong nakaawang iyon. Pinapapasok mo si Abdullah? Iyon ang hula ko. At hindi nga ako nagkamali sapagkat ipinagtapat mo na makaraang makapasok si Abdullah ay ikaw na mismo ang humatak sa pinto para iyon magsara.

“Ipinagtapat mo kung paano kayo nagtalik ni Abdullah. Ikaw ang nagturo sa tinedyer kung paano gawin iyon. Ikaw na may karanasan na ang naging agresibo. Uhaw na uhaw ka. Habang ikinukuwento mo iyon ay kinikilabutan ako. Hindi ko kasi akalaing magagawa mo iyon. Pero sabi mo, mahal ka ni Abdullah. At sabi mo pa, hangang-hanga ka kay Abdullah. Guwapung-guwapo ka sa among tinedyer...”

(Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

GUWAPUNG

IKAW

IYON

KASI

PERO

SABI

SI ABDULLAH

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with