ITINULOY ni Tatay Ado ang pagbabasa ng sulat ni Imelda. Kung hindi niya babasahin ang kabuuan, paano niya malalaman ang lihim. Nagkakaroon na siya ng konklusyon sa totoong nangyari sa anak na si Cristy sa Riyadh, kung saan ito nagtrabaho bilang domestic helper. Ang purpose ng pagsulat ni Imelda kay Cristy ay para mangumusta. Gustong malaman ni Imelda kung ano ang nangyari kay Cristy makaraang makauwi mula Riyadh. Binanggit ni Imelda ang mga ipinagtapat sa kanya noon ni Cristy.
“Sana nang hinipuan ka ng suso ni Abdullah ay pumalag ka. Di ba ilang ulit kitang pinayuhan noon pero parang hindi mo ako pinakikinggan. At ang pakiÂwari ko sa’yo, gusto mo ang ginagawa ng tinedyer na si Abdullah. Tala-gang mahilig sa malalaÂking suso ang mga Arabo kaya marahil napagtripan ang mga suso mo.
“Tapos mayroon ka pang ipinagtapat sa akin na kapag naliligo ka ay pakiramdam mo mayroong nanininilip sa’yo. Palagay ko si Abdullah iyon. SiyemÂpre kabisado nila kung paano gagawa ng paraan para makapanilip. Baka gumawa ng butas ang manyakis na tinedyer sa pader at doon sumisilip. Kaya nga noon ang payo ko sa’yo ay huwag kang todo hubad kapag naliligo. Dapat ay naka-panty ka o di kaya ay nakadaster. Kasi nga kapag nalaman na todo-todo kang maghubad sa banyo kapag naliligo ay hindi titigil ang manyakis. Tiyak na kapag schedule mong maligo ay nakaabang na yun. At siguro habang naliligo ka ay kung anu-ano ang ginagawa. Baka nagma-masturbate habang sinisilipan ka. Nasa kainitan kasi ang manyakis dahil tinedyer pa lang. Sumusulak ang kalibugan. Walang pakialam ang mga tindedyer na Saudi, basta naisipan ay idaraos ang kalokohan.
“Pero ang tingin ko nga sa’yo ay hindi nakikinig sa payo ko kaya nangyari sa iyo ang kinatatakutan ko. Kung nakinig ka lang e di hindi ka sana mabubuntis…â€
Napabuntunghininga muli si Tatay Ado. NapaÂtingin sa kabuuan ng bahay na iyon. Malaki rin ang naging hirap ni Ipe sa bahay na ito. Lahat yata ng savings niya noong binata pa ay tinodo na rito. Noong nililigawan pa ni Ipe ang kanyang anak na si Cristy ay madalas niyang marinig na ang uunahin niyang gawin ay bahay. Hollow block ang dingding at yero ang bubong. Palalagyan ng tiles ang sahig. Bibili rin ng kasangkapan. Pagkatapos daw ng kasal nila ni Cristy, mula simbahan ay sa bahay na ito na ang tuloy. Mas masarap daw ang ganun sapagkat madadama ang tunay na pagiging mag-asawa.
Maraming ulit na nari-nig ni Tatay Ado ang paÂngaÂkong iyon ni Ipe kay Cristy. Nakita niyang seryoso si Ipe. Mahal ni Ipe si Cristy.
Noong una niyang makita si Ipe ay nagtaka si Tatay Ado kung bakit nagkalakas ng loob itong manligaw kay Cristy. Wala kasing itsura si Ipe at mas matanda pa nang maraming taon kay Cristy. Matandang binata ito. Nagtrabaho raw si Ipe sa isang pabrika sa Maynila at nang makaipon ay nagbalik na sa kanilang probinsiya at nagtayo ng tindahang sari-sari. Hanggang sa makilala ni Ipe si Cristy at niligawan nga. Nagpakasal at mula sa simbahan ay sa bahay na pinatayo nagtuloy.
Pero makaraan lang ang ilang buwan ay nag-apply na DH si Cristy sa Saudi. Natanggap at nakaalis agad.
Napabuntunghininga muli si Tatay Ado.
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng sulat ni Imelda.
“Nagulat talaga ako sa sinabi mo sa akin, Cristy. Nagkasabay muli tayo noon sa pagtatapon ng basura at may ipinagtapat ka sa akin. Pinasok ka sa banyo ni Abdullah at…â€
(Itutuloy)