Alakdan(256)

PATULOY pa rin si Siony sa pagkukuwento ukol kay Dolfo. Kung anu-ano na raw ang naisip niya kung bakit hindi pa ito nagpapakita sa kanya. Kabuwanan na niya noon at pakiramdam niya, malapit na siyang manganak. Isa sa naisip niya ay baka hindi ito makaalis ng bahay dahil nakabantay ang asawa. Maaaring ayaw humiwalay kaya kahit saan pumunta ay nakabuntot. Sinabi umano ni Dolfo na Disyembre 16 ang uwi niya. Pero Dis-yembre 20 na ay hindi pa nagpapakita. Naisip din naman ni Siony na baka hindi natuloy ang eskedyul ng pag-uwi ni Dolfo.

“Lagi akong nakaa-bang sa may pinto ng bahay. Kapag may nagtatao po ay agad akong sumi-silip sa bintana at baka si Dolfo na. Pero wala pa.

“Napapansin ko ang aking pinsang babae na nag-aalala na rin. Naaawa sa akin ang pinsan ko. Nasubaybayan kasi niya kung paano ang ginagawa kong pagtitiis. At siguro ay naririnig niya ang tahimik kong pag-iyak sa gabi. Iniiyakan ko ang mga sanda-ling nahihirapan na ako sa sitwasyon. Talagang mahirap na nag-iisa at buntis pa. Para bang aping-api ako. Aywan ko ba kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Kahit na paulit-ulit kong sabihin sa sarili na dapat kong tanggapin na ako ay “kabit” lang ay hindi ko pa rin matanggap. Ewan ko nga ba kung bakit?”

“Ano pong araw, nagpakita si Mang Dolfo?” tanong ni Troy.

“Disyembre 23 siya big­lang lumitaw sa bahay. Kasalukuyan akong nag-a­ayos ng mga damit ng aking magiging baby. Inilalagay ko sa isang bag para in-case na humilab ang tiyan ko, naka-ready na. Pati mga damit ko at iba pang gamit ay ready. Dadam-putin na lang. Hanggang sa may marinig akong tawag mula sa gate. Wala noon ang aking pinsang babae.  Nasa palengke at bumibili ng panghanda sa Pasko. Tumayo ako at sinilip sa bintana kung sino ang tumatawag. Si Dolfo!

“Hindi ko maipaliwa-nag ang kasiyahan. Nag­liwanag ang mukha ko. Nag makapasok siya sa loob ay matagal kaming nagyakap. Hinalikan niya ako. Napaiyak ako sa labis na katuwaan. Sabi ko sa kanya, akala ko hindi na siya magpapakita. Sabi niya, hindi raw siya makaalis ng bahay dahil nakabantay ang asawa. Nakapuslit lang daw siya nang magpaalam na pupunta sa OWWA at POEA dahil may aayusing papeles.

“Naunawaan ko naman siya. Huwag na raw akong umiyak dahil narito na siya. Hinipo-hipo niya ang bilog na bilog kong tiyan. Pinag-usapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming magiging baby…”

(Itutuloy)

Show comments