ISANG babae na may dalang juice at sandwich ang lumapit kina Troy at Mam Siony.
“Eto na po ang mer-yenda n’yo Ate Siony. Kain po muna kayo,” sabi ng babae at ibinaba ito sa center table.
“Salamat Charice.’’
Umalis na si Charice.
“Boarder ko yun. Maraming estudyanteng ta-ga-San Pablo ang naka- tira rito. Yung ibang nakatira rito ay mga nurse diyan sa Veterans.’’
“Naikuwento nga po sa akin ni Manong Nado. Mayaman ka na rin daw po, Mam Siony.’’
“Si Tiyo Nado talaga, pati ang pagiging mayaman ko e sinabi. Sana nga ay totoong mayaman ako.’’
“Mayaman ka raw po talaga, Mam Siony, marami ka raw pong ari-arian.”
Nagtawa si Mam Siony.
“Hindi naman. Nabiya-yaan lang ako ng Diyos dahil siguro marami rin akong pagdurusa na naranasan. Yun daw kasing mga nagdanas ng kaapihan ay may kapalit na biyaya at ginhawa sa buhay.’’
“Totoo po, Mam Siony.’’
“E di may naikuwento na si Tiyo Nado ukol sa panganganak ko kay Kreamy at sa relasyon namin ni Dolfo — ama ni Kreamy.’’
“Mayroon po siyang kinuwento ukol kay Kreamy noong ito ay baby pa. Totoo po bang dinala ni Mang Dolfo si Kreamy ay hindi na ipinakita sa iyo. Kapapanganak lang daw po ni Kreamy nun…”
“Oo. Hindi ko akalain na ganun ang gagawin ni Dolfo sa akin. Gusto ko nang mamatay makaraang tangayin niya ang aming anak. Para akong loka-loka. Hindi ko naman magawang magsumbong sa mga pulis sapagkat baka mabulgar na nagkaroon ako ng anak…’’
“Wala ka pong nahala-ta kay Mang Dolfo na itatakas si Kreamy?”
“Wala. Lagi siyang nasa ospital nang manganak ako. Tuwang-tuwa siya. Nang lumabas ako sa ospital, dito ako sa bahay ng pinsan ko tumuloy. Ang pinsan ko ang tanging nakaaalam ng aking lihim na ako’y nabuntis. Ang pinsan ko ang may-ari dati ng bahay na ito.’’
“Paano po tinakas si Kreamy?”
“Isang araw makaraang makalabas sa ospital, kinarga niya si Kreamy at sabi ay paaarawan lang. Pero hindi na siya nagpakita… tinangay na si Kreamy.’’
(Itutuloy)