Alakdan (242)

ANG sabi sa kanya  ni Manong Nado, dalawang palapag ang bahay. Ang ground floor daw ay pinauupahan sa mga estudyante at mga nagtatrabaho sa kalapit na mall.

Sinipat ni Troy ang bahay. “Eto na nga siguro ang bahay,” nasabi niya sa sarili.

Lumapit siya sa   bahay. Eksakto pag­lapit niya ay lumabas ang isang babae. Sa itsura ay estudyante ang babae.

“Excuse me. Puwe­de bang malaman kung dito ang bahay ni Mam Siony?”

“Opo.”

“Nandiyan ba siya?”

“Opo. Narito po siya.”

“Puwede ko ba siyang makausap?”

“E puwede pong malaman ang iyong pangalan para masabi ko kay Ate Siony?”

“Troy. Sabihin mo kaibigan ng kanyang anak na si Kreamy. Nalaman ko ang bahay niya dahil kay Manong Nado.’’

“Sige po. Sasabi-hin ko kay Ate Siony. Sandali lang po.’’

Naghintay si Troy. Siguro’y isa sa mga nakatira rito ang babae na pinagtanu-          ngan niya.

Maya-maya, nagbalik ang babae.

“Pasok ka po Mang Troy.”

“Salamat.’’

Pumasok si Troy. Maganda ang receiving room. Malinis. Maaliwalas. Mabango.

“Maupo ka po at la-labas na si Ate Siony.”

“Salamat uli.’’

Maya-maya pa, nakita ni Troy ang pag­lapit ng isang babae na mahigit 50-anyos. Maganda kahit may edad na. Tiyak niyang si Siony. Nakangiti sa kanya.

Tumayo si Troy.

“Magandang umaga po, Mam Siony.”

“Ikaw ba si Troy?”

“Opo.”

Kinamayan ni Troy si Siony.

“Maupo ka Troy.”

Naupo si Troy. Naupo rin si Siony.

“Kaibigan po ako ni Kreamy. Nalaman ko po ang address n’yo dahil kay Manong Nado.’’

“Nanggaling ka sa San Pablo?”

“Opo.”

“Napakabait po ni Manong Nado at Manang Encar.”

Nakatingin lang si Siony kay Troy.

“Kaibigan ko po si Kreamy. Ang totoo po, gusto kong makita si Kreamy kaya hinanap ko ang lugar n’yo sa San Pablo.’’

Hindi pa rin nagsasalita si Siony.

“Gusto ko talaga siyang makita, Mam Siony.’’

“Nasabi ka na sa akin ni Kreamy, noon pa.”

Patda si Troy.

(Itutuloy)

Show comments