^

PSN Showbiz

Carla, naglasing!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla, naglasing!
Carla Abellana.
STAR/ File

Kaloka si Carla Abellana na nag-post ng kanyang “drunk” look.

Ipinost niya ang mga litrato kung saan aminado siyang lasing siya.

Makikita roon na pinkish ang pisngi niya na may caption na “Why am i sxo flushed? Oh, riiiiiggghhtt, alcohol. Even my ears are flushed.
“Absolutely no makeup. Just lucas papaw on my lips and yuzu liquor in my tummy.”

In all fairness, ang ganda niya kahit nakainom siya ng alak ha.

Napakomento nga si Ryan Agoncillo na “Gandang naka shot na” raw ang aktres.

Unfair nga raw na ang fresh at glowing pa rin siya kahit lasing siya. Habang ang iba raw ay mukhang ewan kapag lasing.

Napa-sana all nga ang mga follower niya na lip ointment lang ay sapat na.

Wala ngang duda na isa si Carla sa may pinakamagagandang mukha sa showbiz.

Kaya wish ng mga tagahanga niya ay sana naman makahanap ito ng lalakeng para sa kanya.

Deserved daw kasi nitong maging masaya at magkaroon ng happy family.

Sana raw huwag nang maulit ang nangyari sa kanila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez.

‘Katawa nga ang mga komento na sana raw magpaturo siya kay Bea Alonzo kung paano makabingwit ng bilyonaryong negosyante at huwag na siyang pumatol sa mga kapwa niya celebrity.

‘Kaloka.

Bagay raw kasi kay Carla ang businessman para pareho silang brainy ng magiging karelasyon kung sakali.

Nakadagdag pa nga raw sa appeal nito ang pagiging animal welfare advocate.

Bongga.

CARLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with