Angelica, na-dikya ulit!

‘Kaloka naman na na-dikya na naman daw si Angelica Panganiban.
Ipinost niya ang braso kung saan makikita ang mga jellyfish sting niya na may caption na “Favorite talaga ko ng jellyfish.”
Hindi raw pala kasi iyon ang unang pagkakataon na na-dikya ang misis ni Gregg Homan. Ilang taon ang nakalipas ay nakagat na rin daw siya ng jellyfish sa binti.
Nagkaroon pa nga raw ng iba’t ibang ispekulasyon noon ang mga follower niya habang ang iba ay na-trigger pa raw ang takot at phobia sa litrato na ipinost niya.
Naku mag-ingat na sana si Angelica na lapitin ng jellyfish.
‘Kaloka.
Pasalamat nga raw ang aktres dahil hindi pa raw masyadong malala ang nangyari sa kanya at hindi poisonous ang dikya.
Kaya dapat mag-ingat ang mga lumalangoy sa dagat lalo na at summer ngayon at masarap mag-beach.
‘Camille, pleasant’
Sa mga kandidato ngayon, talagang cute na cute ako kay Camille Villar. Napaka-pleasant at sweet niya sa mga photo na lumalabas kaya parang ibibigay mo talaga ang boto mo sa kanya.
Saka mga batang kandidato ang bagay ngayon sa bayan natin para progressive ang ideas.
Lahat nang ideas ni Camille Villar ay malaki ang maitutulong para sa bayan natin. Kaya sana bigyan siya ng pagkakataon makapaglingkod para maipakita niya ang kakayahan niya.
Meron nang brand sa politics ang pangalang Villar kaya siguro naman madali nang isulat sa balota.
Bongga.
- Latest