Agaw-eksena!
Heto namang si Barbie Forteza, tila gusto nang ipagsigawan na may relasyon na sila ni David Licauco!
Present si Barbie sa premiere ng movie ni David na Samahan Ng Mga Makasalanan.
Agaw-eksena na siya kahit hindi naman kasama sa movie, huh!
Tutal naman, panay ang pahangin ni David na he cares a lot kay Barbie. Eh bakit hindi pa sila umamin eh loveless naman si Barbie?
Hoy matatanda na kayo, kaya huwag nang magpa-cute!
Koky, may pasabog na katotohanan?!
Nagkakalabuan na nga ba sina Kyline Alcantara at Kobe Paras?
Tanong ‘yan ng netizens na sumubaybay nung panahong super public display sila ng affection, huh! Kung saan-saan nagpupunta at para bang wala nang katapusan ang lahat!
But suddenly, nawala ang posts nina Kyline at Kobe.
Anyare? Short-lived ba ang kanilang romansa?
Eh sa isang post ng kaibigan na malapit sa KoKy couple, mahiwaga ang post na soon, truth will come out? What truth? Na hiwalay na talaga?
Wala nang direktang pag-amin sina Kobe at Kyline na may relasyon na. Siyempre, action speaks louder than words.
Eh wala ngang aksyon at wala pang words, nakakabingi ang katahimikan nina Kobe at Kyline, huh!
- Latest