^

PSN Showbiz

Ivana, nangisda!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, nangisda!
Ivana Alawi

Ang bongga-bongga ni Ivana Alawi. Lagi siyang pinag-uusapan dahil sa kanyang mga ginagawa.

May nagpakita sa akin ng kanyang video nang puntahan niya ang isang lugar na malapit sa dagat na ang ilang nakatira roon ay 25 years na sa pangingisda pero nanatiling naghihikahos ang buhay.

Sa totoo lang, parang nauna pa akong lumuha sa kuwento ng mamang 25 years nang nangingisda pero hindi umasenso ang buhay.

Sumama pa si Ivana sa paglalambat para makakuha sila ng mga isda. Pero malungkot ang resulta, wala silang nahuli.

Hindi ko na tinapos ang video pero sigurado akong malaki ang ibinigay ni Ivana sa nasabing mama na kahit ako ay naawa talaga.

Nakakaawa pero sana nagbago ng trabaho si Kuya at hindi nagtiyaga sa pangingisda.

Ganun talaga ang buhay, kailangan natin tanggapin.

Kaya naman natutuwa ako kay Ivana na marunong mag-share ng kanyang biyaya sa mga nangangailangan sa totoong mga nangangailangan.

Pwede na talaga siyang maging pulitiko.

Hahahaha. Kung sa iba lang naman kasi na mga kumakandidato, kay Ivana na ako. Hindi lang basta marunong mag-ayuda, alam mong may laman ang utak at alam ang gagawin pag nanalo sa kahit anong posisyon.

Hay sana naman ay makaboto ako sa darating na election para makadagdag ako sa mga karapat-dapat na kandidato.

Ang daming mga kandidato na may karapatang magka-posisyon sa totoo lang. Pero hindi ko sasabihin kung sinu-sino sila pero pag pinilit ako sasabihin ko rin. Hahahaha.

Anyway, lately kasi ay masama ang pakiramdam ko. Tulad sa nabanggit ko na sa nakaraan kong column, gusto ko lang lagi ay nasa higaan. Ayoko na halos lumabas ng bahay.

Hindi rin naman ako pwedeng magpa-confine dahil baka mahawa pa ako ng ibang sakit sa hospital.

Basta thankful ako sa mga kaibigan ko na laging nandyan para kumustahin ako tulad nina Salve, Gorgy, at Pat-P. Ganundin sina Marivic at Tet.

Salamat sa inyo kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa na lumakas pa.

Fighting!

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->