Male host-singer, nganga sa pramis ng local politician
Eleksiyon na naman kaya sumasagi sa isipan ng isang male host-singer ang pangako ng isang local politician na lagi niyang tinutulungan sa kampanya.
Pero hanggang pangako na lang ang politician dahil ilang beses nang nanalo ito, hindi pa rin binibigay ang pangakong pera para makapagsimula siya ng negosyo, huh!
Mayaman naman ang probinsiyang pinamumunuan ng politician na pinasok din minsan ang showbiz.
Pero nganga pa rin si male host-singer kaya naman ‘pag tumawag uli ang politician sa kanya, dededmahin na ito ng male singer-host na hirap din sa buhay!
Kalaban ni Ate Vi, kulelat sa survey
Milya-milya ang layo ni Vilma Santos-Recto sa naglabasang survey sa Batangas province laban sa dalawang lalaking kalaban niya bilang gobernador ng lalawigan!
Kung si Ate Vi eh two digits ang numero sa gusto siyang maging governor muli, ‘yung nag-aambisyong matalo siya eh one digit ang percentage ng gustong bumoto sa kanila.
This weekend na ang simula ng kampanya para sa local candidates. Mas madugo ito tiyak sa mga lugar na talagang pinag-aawayan ang posisyon, huh!
- Latest