Alex at Mikee, nag-wish sa lantern ng anak!

Hindi talaga kumpleto ang biyahe mo sa Taiwan kapag hindi ka nagpalipad ng sky lantern sa Pingxi Station na may nakasulat ang iyong wish.
Ganito ang ginawa ng mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga nang pumasyal sila sa Taiwan kamakailan.
Nag-post nga si Alex ng pagpapalipad nila ng lantern na nakasulat ay ‘Healthy babies for me and Mikee’
“Last February we had a quick trip to Taiwan after everything that happened. Kahit sobrang busy nakapaglaan pa rin ang asawa ko ng ganitong oras. Thank you @mikee_mo at sorry dahil pabebe asawa mo,” dagdag pa sa caption ni Alex.
Kaya naman ang daming naki-wish na sana nga ay matuloy na ang pagbubuntis niya.
Tho ayon nga kay Alex hindi na niya pini-pressure ang sarili na mabuntis. Chill na lang daw siya at hihintayin na lang nila ng mister kung kailan darating ang first baby nila.
“Parang ngayon, siguro this time, kasi last year, pinressure ko kasi. Ang daming nagsabi sa akin, maganda ‘yung Year of the Dragon, ‘di ba? Nagalit Daddy (Bonoy) ko. Bakit daw ako (naniwala). Hindi raw kami Chinese. Kaya ako na-pressure, pa-IVF (in vitro fertilization) pa ako,” sabi niya sa huling interview namin sa kanya.
Hinahabol daw kasi nila that time ang Year of the Dragon na sinasabi ngang suwerte para sa mga bagong mag-asawa na magkaanak noong 2024.
“So parang, it’s really my perspective na, o kung hindi man nabibigay ng Panginoon ‘to, ito pwede namin gawin ito ni Mikee, nakakapag-travel kami, mag-business venture, kasi meron din kaming mga ibang ginagawang business venture.”
- Latest