Arjo, ilang beses naluha sa kanyang ‘SODA’!

Emosyonal kahapon si Cong. Arjo Atayde kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap sa SM North EDSA Skydome.
Naka-tatlong taon na kaagad sa kanyang posisyon bilang kongresista ang aktor / pulitiko at ang dami niyang pinasalamatan na bagama’t first timer aniya siya sa pulitika, hindi raw siya nahirapan dahil sa suporta ng kanyang pamilya particular na ang mga magulang niyang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, ang misis niyang si Maine Mendoza at ni Mayor Joy Belmonte na nagme-mentor sa kanya.
Bahagi rin ng kanyang SODA ang legislative highlights umpisa nang umupo siya sa kongreso. Kabilang dito ang 46 Republic Acts, 65 House Bills as co-author, 174 House Bills as Principal Author and 78 House Resolutions.
Binigyang diin din niya sa nasabing privilege speech ang lumalalang problema ng baha sa kanyang distrito, District 1 of Quezon City, na kailangan aniya ng suporta ng national government.
Pero ang isang standout project daw sa kanyang ‘Aksyon Agad’ na mga proyekto ay ang Kusina on Wheels na isang mobile feeding initiative na may free meals sa 37 barangays.
Sa bandang huli ay mas naging emosyonal siya. Overwhelmed aniya siya sa mga dumalo sa kanyang SODA na pinangunahan ni Mayor Joy, Senator Erwin Tulfo, Vice Mayor Gian Sotto, SBP Partylist nominee RJ Belmonte at marami pang ibang namumuno sa Quezon City.
Pero sa totoo lang, ang husay nang mag-speech ng aktor / pulitiko, with conviction ang kanyang mga salita habang nagtatalumpati.
- Latest