^

PSN Showbiz

Senatorial Face-Off 2025, 12 ang kumasa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Senatorial Face-Off 2025, 12 ang kumasa
Emil, Vicky, Kara at Pia
STAR/File

MANILA, Philippines —  Pebrero 1, sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sa isang entablado ang mga kandidato sa May 12 senatorial elections sa pamamagitan ng isang multi-platform ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News – ang Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025.

Sa pangunguna ni Jessica Soho, ang premyado at pinagkakatiwalaang mamamahayag ng bansa, ang Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025 ay isang mahalagang pagkakataon para makilala at mapakinggan ang mga kandidatong humihingi ng ating mga boto.

Naniniwala ang GMA Public Affairs at GMA Integrated News na importante ang mga debate dahil isa itong paraan para maintindihan ng taumbayan ang mga plataporma at makilatis ang kakayahan, maging ang karakter ng mga kandidato – para sa matalinong pagboto sa Eleksyon 2025.

Mahigit 30 na nangungunang senatoriables ang inimbitahan ng programa base sa Pulse Asia at SWS surveys na inilabas noong Disyembre 2024. May mga tumanggi, may mga walang tugon, at may ilang umatras. Sa huli, 12 kandidato ang kumasa sa hamon para harapin ang mga tanong ng bayan.

Bukod sa debate, haharap ang mga kandidato sa ilang mabibigat na tanong mula sa mga personalidad ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News sa pangunguna nina Vicky Morales, Kara David, Pia Arcangel, at Emil Sumangil. May pagkakataon din ang mga kandidato na kausapin mismo ang publiko tungkol sa mga naiisip nilang solusyon sa mga ilang mabibigat na suliranin.

Huwag palampasin Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025 ngayong Pebrero 1, 9 p.m. sa GMA at simulcast sa GMA Pinoy TV at DZBB. May livestream din ito sa lahat ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News YouTube channels at social media platforms.

GMA PUBLIC AFFAIRS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->