Dennis, itinapon ang cue card ni Vice?!
Parang naintriga ako sa nagkuwento sa akin na parang itinapon daw ni Dennis Trillo ang cue card nung prinesent niya ang Special Jury Citation kay Vice Ganda.
Kuwento lang ‘yun sa akin ha nung ilang dumalo sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival sa Solaire South.
‘Di ba dalawa sila ni Lorna Tolentino ang nag-present ng Best Screenplay at itong special citation kay Vice Ganda. Pero hindi raw naintindihan ni Vice Ganda kung ano ‘yung award na ‘yun. Kasi nga hindi binasa ni Dennis ‘yung paliwanag sa nasabing award.
Tinanong ko naman si Lorna kung bakit hindi nila binasa.
Ang sabi naman ni LT, kay Dennis daw inabot ‘yung cue card, kaya akala niya babasahin na ng aktor lahat at sabay tatawagin nang winner si Vice Ganda. Pero ang binasa lang ni Dennis ay ang pangalan ni Vice Ganda.
Kaya nung nagtatanong na ang komedyante kung para saan ang award na ‘yun, pinabasa niya kay Dennis ang explanation. Pero may nakakita raw na dinampot lang ni Dennis ang cue card saka binasa na ang lahat na nakasulat doon.
Tinapon nga ba ni Dennis ang cue card at sinadyang ang pangalan na lang ni Vice Ganda ang binasa?
Naku! E ‘di ba may isyu naman talaga si Dennis noon sa ABS-CBN? May kinalaman kaya ‘yun?
Naku! Kahit ano pang sabihin nila, Best Actor na si Dennis ‘no? ‘Kaloka kayo! Babu!
- Latest