Bossing Vic, pinalakpakan sa matinding drama; Papa P yummy kahit madungis
Grabe ang The Kingdom. Ginastusan at pinagpaguran.
Sa ginanap na red carpet ng entry nina Vic Sotto at Piolo Pascual sa Metro Manila Film Festival (MMFF), nakakabilib ang eksena sa mga pelikula.
Nakakatuwa si Tali Sotto nang dumalo sa nasabing red carpet premiere noong Biyernes.
Tili siya nang tili pagpasok pa lang ng daddy Vic niya kasama ang buong cast ng MMFF entry ng kanyang daddy.
Kasama niya ang mommy Pauleen Luna niya na lumapit kaagad kay Mr. Manny Pangilinan, MQuest Ventures na major investor ng pelikula.
Aminado si Bossing Vic na limang araw siyang ‘di nakatulog dahil sa excitement niya rito.
Ibang Vic nga naman siya sa pelikula. Hindi nagpatawa, pero bagay, may laban sa best actor.
Ganundin si Piolo Pascual na isang mangingisda.
“Limang araw na akong hindi nakakatulog. That’s because I’m excited and at the same time, nandu’n ang kaba. And seeing my friends and family here, supporting me, supporting the film, supporting everyone, nakakatanggal ng kaba, nakakadagdag ng excitement,” sabi niya sa ginanap na red carpet premiere na dinaluhan ng angkan ng mga Sotto sa pangunguna nina former senator Tito Sotto and Mayor Vico Sotto. At iba pang mga anak ni Bossing Vic.
Present din si MTRCB Chair Lala Sotto at Ciara.
Ginagampanan ni Bossing sa The Kingdom si Lakan Makisig na hari ng isang kaharian (a reimagined Philippines).
At talagang nagpapalakpakan ang mga manonood sa isang madramang eksena na hindi mo makikita ang pagiging komedyante ni Bossing Vic.
At si Papa P, iba rin. Pero yummy kahit madungis.
Iba rin kasi talaga ‘pag si Piolo, kahit gawing dukha ang role, lumalabas ang kagwapuhan at kakisigan.
Mahalaga naman ang role nina Cristine Reyes and Sue Ramirez na sinuportahan ng kani-kanilang mga karelasyon sa nasabing red carpet premiere. Yup ang agang dumating nina Marco Gumabao at Dominic Roque.
Prinsesa sina Cristine and Sue at si Sid Lucero ang Magat Bagwis.
Sa direksyon ni Mike Tuviera, DGPI at ginawa ng MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, at APT Entertainment Inc, ipinagmamalaki ng The Kingdom ang isang nakakaengganyong salaysay, nakamamanghang cinematography, at isang powerhouse na cast na kumukumpleto sa cinematic masterpiece.
Don’t miss this extraordinary tale of power, loyalty, and redemption. The Kingdom reigns in theaters nationwide starting Dec. 25, 2024 — the perfect film for a memorable holiday experience.
- Latest