Diborsyo ni Rufa Mae, hindi maganda ang timing

So Rufa Mae Quinto is going for a divorce na sa kanyang asawang si Travis Magallanes? If it’s for the best ok lang naman. Nakakaawa lang ang anak at nakaka-off lang ang timing ng ganitong pangyayari - bukod sa Kapaskuhan, nahaharap pa si Rufa Mae sa isang kasong diumano’y isa rin siyang biktima.

Sana makayanan niya ang lahat ng hamon na hinaharap niya ngayon nang may tibay ng loob at payapang puso.

Parada..., level up

The Metro Manila Film Festival fever heats up lalo pa’t Parade Of Stars na ngayon! Nakakatuwa kasi lahat ng stars ng mga pelikula ay nag-confirm na a-attend ng parada ngayong araw!

“We are going back to the City Of Manila where it all started,” sabi ng MMFF Spokesperson Noel Ferrer na sinisiguradong ang programa sa parada ay sulit para dayuhin sa Manila Post Office with Bamboo headlining the list of performers!

Aminin natin na mas bumongga ang mga paandar ng MMFF sa kanilang 50th year.

Paano na next year? Back to regular programming? Dapat no way but up! It should get better every year!

Sa kabila ng screenshot ala Maris...asawa ni Small, nagpaka-normal

Sa Christmas party raw para sa social media team ni Small Laude, magkasama sila ng asawa niyang si Philip sa publiko. She is the usual bubbly, vlogger persona, habang ang asawang si Philip, typically more reserved ay nag-participate pa sa mga game at kasayahan kasama ng mga guest sa party.

Ano ang ibig sabihin nito? Marahil ang focus nila ay mag-move forward na bilang pamilya at huwag paapekto sa kung anumang lumalabas na screenshot about them.

‘Di ba, kebs na natin kung anuman ang gusto nilang gawin sa kanilang personal na buhay. Let’s just wish them and all the families (lalo na ‘yung may mga pinagdadaanan) the best!

Nakakataquote:

“Defy the cynics & gatekeepers. Art will find its audience.”

–Moy Ortiz, sa isyu na hindi patas ang dami ng sinehan sa MMFF entries

Show comments