Sen. Bong, sa palaisdaan nagpa-party
MANILA, Philippines — Kakaiba ang Christmas Party ng mga empleyado ni Sen. Bong Revilla, may fishing contest at ang nanalo ay tumanggap ng P50K. Walang sinabi kung ilang isda ang dapat mahuli, basta siguro makahuli may premyo. Ang laki ng mga hito sa fishpond nila Bong.
Nakakatuwang panoorin ang fishing video na pati ang mahuhulog sa fish pond, tatanggap ng P1K. Pansin lang namin, ang laki ng fish pond, ang dami sigurong isda, pero hirap na hirap ang namingwit na makahuli ng isda.
Samantala, bukas, 7:15 p.m., sa GMA 7, na ang premiere ng Season 3 ng Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, siksik ito sa action scenes kaya kahit seven weeks lang eere, hindi mabibitin ang viewers. Pati nga si Beauty Gonzalez, nag-action na rin at sabi ni Bong, magiging Alpha ang karakter ni Beauty na si Gloria Reynaldo.
Sa mediacon, naging emosyonal si Bong nang maalala ang aksidenteng nangyari sa kanya. Akala raw niya, end na ng kanyang career dahil paano nga siya gagawa ng action project kung baldado siya. Mabuti na lang at gumaling siya sa tulong ng kanyang mga doctor at determinasyon niyang gumaling.
Bong was also asked kung open siyang gumawa ng drama project?
“I’m open sa drama project, hintayin natin, pero gusto ko gumawa muna ng action hanggang kaya ko pa, hangga’t kaya ko pang tumalon. Basta, ipaubaya na lang natin sa Diyos,”sagot ni senador.
Jennylyn at Pauleen, aktibo sa paglalako sa kanya-kanyang mister!
Active sina Jennylyn Mercado at Pauleen Luna sa pagtulong sa promo ng mga pelikula ng kani-kanyang asawa na may entry sa 2024 MMFF.
Si Pauleen, pinost ang poster at trailer ng The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual. On point din ang caption ni Pauleen sa mga pino-post na pubmat sa movie ng kanyang mister.
Sabi pa ni Pauleen, “I’ve never been this excited to see a film” at dahil sa post na ito, for sure, present siya sa premiere night ng movie kagabi.
Si Jennylyn, sa X nagpo-promote at simple lang ang paalala nito sa moviegoers. “Green Bones ngayong Pasko na mga Bessie ko!”
Co-producer sina Jennylyn at Dennis Trillo ng Green Bones under their Brightburn Entertainment film outfit, pero ni minsan, hindi dumalaw ang aktres sa shooting. Ang tsika ni Dennis, sa mga meeting kasama ang mga producer ng GMA Pictures at GMA Public Affairs um-attend si Jennylyn.
May mga susunod sila na collab projects, abangan na lang daw. Sa ngayon, focus sila rito sa Green Bones at wish nila na marami ang manoood at magustuhan ang pelikula ni director Zig Dulay.
- Latest