Ang saya pala ng magiging Pasko ng Kapamilya host na si Robi Domingo.
Ang chika ni Salve, ibinahagi ng misis ni Robi na si Maiqui Pineda sa kanyang latest Instagram post na nasa clinical remission siya.
“The best early Christmas gift we could ever ask for – my doctor officially told me that I’m in clinical remission!” post ni Maiqui.
At ang paliwanag niya “Clinical remission means that the signs and symptoms of my autoimmune disease are now barely detectable, even if the disease may not be completely cured.”
Dagdag pa ni Maiqui, “In short – I’M OKAY!”
Totoo, ito ay maituturing na ‘Christmas miracle.’
“Hearing those words during our trip to Singapore in November brought tears to our eyes, especially when my doctor called me a ‘Christmas miracle.’
“I’m beyond grateful for this gift and for the prayers and support that helped me keep going. Please know that it made a difference so THANK YOU! I have big plans for 2025, but for now, it’s time to enjoy the holidays with the people I love,” sabi pa ni Maiqui.
Wow.
MTRCB at GMA Network, lumagda ng kasunduan
Bongga pumirma ng isang kasunduan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at GMA Network Inc. kamakailan upang mas paigtingin ang kampanya ng Responsableng Panonood Tungo sa Bagong Pilipinas campaign (RP2BP Campaign: Tara, Nood Tayo!).
Ang Memorandum of Agreement ay para sa paglalabas ng MTRCB infomercial sa lahat ng GMA channels upang matiyak na maaabot ang pamilyang Pilipino tungkol sa importansya ng angkop na pagpili ng mga panoorin.
Nagpasalamat si MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa patuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan para maiangat ang industriya ng paglikha ng Kapuso. “Kinikilala ng MTRCB ang malaking impluwensya ng media para maihatid ang ating mabuting hangarin sa bawat Pilipino, at ang kasunduang ito ay sumasalamin sa ating dedikasyon na patuloy na makipagtulungan sa mga kasapi ng industriya tulad ng GMA Network tungo sa responsableng paggamit ng media.”
Tiniyak naman ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kanilang patuloy na pagsuporta sa bawat inisyatiba at programa ng gobyerno.
Ang RP2BP Campaign: Tara, Nood Tayo! infomercial ay isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. tungo sa isang bansa na responsable pagdating sa paggamit ng media.
Kaya maging responsible kayo noh.