Andrea, ‘di natakot sa political crisis sa Korea
Habang may political crisis sa South Korea, ang pag-uncheck naman sa isa sa nasa bucket list ni Andrea Brillantes ang kanyang ini-upload. Ito ‘yung pagbisita niya sa location ng hit K-drama series na Lovely Runner.
“Living my fan girl dreams #lovelyrunner,” aniya sa caption.
Kilalang true-blooded Korean fan.
Anyway, hindi pa tapos ang political crisis sa South Korea at nangako noong Sabado si South Korean President Yoon Suk Yeol na ipaglalaban daw ang kanyang political future matapos siyang ma-impeach sa pangalawang boto ng parliament na pinamumunuan ng oposisyon dahil sa kanyang declaration ng martial law, isang hakbang na ikinagulat ng buong mundo.
- Latest