^

PSN Showbiz

Gary, mangha pa rin sa pagmamahal ng diyos sa kanya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gary, mangha pa rin sa pagmamahal ng diyos sa kanya
Gary Valenciano
STAR/File

Muling inalalani Mr. Pure Ener­gy Gary Valenciano ang sunud-sunod na nangya­ring problema sa kanyang kalusugan.

Dinetalye niya ito sa isang interview na nagsimula raw ang matindi niyang pagsubok nang may maramdaman siyang mali sa katawan niya. Ang pagod niya sa dalawang minutong performance ay naging kasing bigat daw ng isang buong solo concert niya.

Nang magpakonsulta siya sa doctor ay nalaman niyang may problema siya sa puso dahil sa kanyang diabetes, doon kinailangan niyang i-bypass surgery.

Matapos naman ang operasyon niya sa puso ay nagkaroon naman ng komplikasyon sa baga kung saan nagkaroon daw ito ng tubig at kinailangang linisin.

Nang i-CT scan siya ay natuklasan ng doctor niya ang cancer niya sa kidney.

Medyo malaki raw ito na parang kasing laki ng kamay ng maliit na bata.

At laking pasasalamat niya na matagumpay ang sumunod na operasyon.

Mabuti na lang daw at kalahati nito ay nasa labas ng kidney at isolated daw ito.

Kaya nang operahan siya at kinuha ang 30% ng kidney niya ay kasama na rin daw ang tumor.

Pero ang dalawang operasyon daw na iyon at pagtanggal din ng tubig sa baga ay nangyari sa loob lamang daw ng dalawang linggo.

Gusto na raw kasi ng mister ni Angeli Pangilinan ipatanggal agad iyon at ayaw niya nang maghintay pa.

Hindi nga raw niya maiwasang magdasal at humingi ng kasagutan sa Panginoon sa mga pinagdaraanan niya.

Hanggang ngayon daw ay namamang­ha pa rin siya sa pagmamahal at suporta ng Diyos at sa paggabay Nito.

Hindi niya inakalang malalampasan niya ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanya.

Talagang ibang magmahal ang Diyos.

Thank you, Lord.

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with