Bongga hindi napigilang sagutin ng star na si Chie Filomeno ang pakialamerang netizen na nagkomento sa kanyang post.
As if nagbabasa talaga ako ha.
Nagkomento kasi ito ng “Huwag masyado magpapayat” na nireplyan naman niya ng “wag mo ko utusan, payat na talaga ako.”
Halatang naimbyerna ang girlfriend ni Jake Cuenca.
Dinepensahan din si Chie ng mga tagahanga niya dahil hindi naman daw talaga masagwa ang pagkapayat niya. Sexy nga raw ito at papasa pa itong Hollywood star at mga runway model.
Kaya tigilan na raw ito ng body-shamers.
Hindi naman daw nakakaalarma ang katawan nito, na kinumpara pa sa ex ni Jake na si Kylie Verzosa na kakaiba na raw ang kapayatan.
Well, bago mag-komento ang ibang netizen, tingnan muna nila ang sarili nila kung maganda ba ang katawan nila.
Hahahaha.
‘I will not stress myself sa anumang bagay’
Exciting ang Lunes ko. Christmas na Christmas ang feeling ko dahil ok pa rin ako ngayong Pasko.
Akala ko talaga ay hindi na ako aabot dahil nga medyo nahirapan ako sa sakit ko. Kaya nang sabihin ni Pat-P Daza na may lunch kami, excited ako. Kasi nga baka hindi na ako rumampa sa susunod na taon dahil feel ko na talagang hindi na kaya ng katawan ko ang physical strain.
Talagang feel ko na ang pagiging 78 years old. Hindi na tulad ng dati na rampa rito, rampa roon ang puwede kong gawin. Ngayon talagang pipiliin ko na ang pupuntahan ko.
Hindi na puwede ang mga lunch dates ni Pat-P.
Hindi ko na puwedeng puntahan dahil pag-uwi ko talagang parang pagod na pagod ako.
Hindi ko naman gusto na nasa hospital ako noh.
Kaya nga thank God dahil I can now just stay home and enjoy my day.
Kasi nga hindi naman sa pagyayabang, tama na siguro ang naipon ko para hindi na magtrabaho.
Enjoy lang ako na lumabas paminsan-minsan pero hindi na ‘yung mapapagod ako dahil sa pressure.
Talagang I will not stress myself sa anumang bagay. Bongga.