In a way kasalanan din ng social media kung bakit ang daming nahikayat ni Neri Naig na mag-invest sa isang derma clinic na hindi diumano awtorisadong mag-solicit ng investments.
Umabot diumano sa P89 million ang na-invest ng 39 investors sa nasabing derma clinic.
Pero may isang personalidad pa palang may warrant of arrest na pero hindi pa pinangalanan ng mga abogado ng mga nagdemanda nung isang gabi. Mas sikat daw. Pero kahapon ay kumalat na diumano’y si Rufa Mae Quinto ‘yun. Bagama’t habang sinusulat namin ito ay wala pang kumpirmasyon kung si Rufa Mae nga ito.
Totoo rin bang may franchise ng Dermacare si Manny Pacquiao?
Anyway, nag-boom noong pandemic ang negosyong tuyo ni Neri kaya’t napabilib ang netizens.
Lahat nang gawin niya ay binabantayan pati ng mga legit media.
Hanggang nagkaroon siya ng negosyong restaurant, coffee shop, rest house etc. etc. na laging kini-carry ng mga legit media at ginawa pa siyang inspiration ng iba hanggang binansagan pa siyang wais mom.
Nakakabili rin siya ng mga lupain at yacht.
Pati Ateneo Business School naging speaker siya – related sa food business. Hanggang sa Harvard Business School Online ay naging speaker pa siya.
At siyempre, ang laki ng mileage na naibigay sa kanya ng social at legit media. Kaya nagkaroon siya ng personality at credibility.
Base naman sa pahayag ng Securities and Exchange Commission (SEC) malabo pang makalabas ang former actress turned businesswoman na nahaharap sa mga kasong estafa at paglabag sa Securities Regulation Code.
Iniimbestigahan nga diumano ang Beyond Skin Care, ayon kay SEC Director Filbert Catalino Flores III, sa lumabas na interview niya sa TeleRadyo Serbisyo.
Naunang sinabi sa isang advisory ng SEC na ang Dermacare-Beyond Skin Care Solutions na pinamamahalaan diumano ni COO Ms. Chanda Atienza na ang admin at finance manager ng kumpanya na si Venus Eunice Gonda ay nag-alok ng “ franchise partner agreements” at nangangako ng 12.6 percent interest every quarter sa loob ng limang taon.
Kasalukuyan pa ring nakakulong sa Pasay City Jail si Neri Naig.
At ano kayang reaction dito ni former senator Kiko Pangilinan na nagsabing handang tumulong sa laban ni Neri.
Sinabi nga niyang biktima rin si Neri tulad nung mga estafador na nasa likod ng kumpanya. “Habulin dapat yung mga may ari. Nawa’y madismiss o maibalik ang kaso sa piskalya para sa preliminary investigation at ma lift o ma quash ang arrest warrant,” bahagi ng komento ng mister ni Sharon Cuneta.
Pinagtanggol na rin ni Chito Miranda ang misis at sinabing “Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.
“Pinapa sa Diyos nya na lang.
“Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.
“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.”
May halos ganitong kaso sina Ricardo Cepeda at Ken Chan. Nakaligtas naman sina Luis Manzano at Sunshine Dizon.
Aktres, nakabili ng bagong ari-arian sa most exclusive at expensive residential area
Ang sosyal talaga ng isang sexy actress.
May bagong acquire raw itong property sa one of the most expensive and exclusive residential areas in the Philippines.
At ang sukat, 1,500 square meters, na papatapos na ang pinagagawang bahay.
Na hindi basta milyon ang halaga dahil nga nakatira ang mga old rich sa nasabing lugar.
Well, kung marami ka namang datung why not.
Single si actress pero ang sabi ay may jowa itong madatung.