Neri, nakakulong pa rin sa Pasay!

Neri Naig
STAR/File

Tinanggal na sa Facebook ng Southern Police District ang post tungkol sa pagkakahuli sa 41-year old actress na tinawag nilang Alias “Neri.”

Iyun ang unang inilabas na on the spot report nung nahuli diumano si aktres sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong Sabado, November 23.

Pero nung na-check ko uli sa FB ng SPD, pinalitan nila ang alias from “Neri” to “Erin.”

Sinubukan pa rin naming kontakin ang nasa Public Information Office o PIO ng SPD, ayaw na nilang magsalita.

Tumanggi itong magpa-interview, dahil may commitment order na raw sa korte na wala nang may magsasalita o magpapa-interview.

Ang nakalagay kasi sa spot report ay aabot ng mahigit P1.7-M ang piyansa sa paglabag sa Securities Regulation Code. Pero walang nakasaad na bail sa kasong Estafa.

Ang sabi pa sa amin ng ilang napagtanungan namin, maraming haharaping kaso ang aktres at diumano’y nakakulong pa rin ito hanggang sa kasalukuyan sa Pasay City Jail.

Sinubukan naming humingi ng pahayag mula kay Chito Miranda - sa nagha-handle ng Parokya Ni Edgar, pero wala kaming nakuhang sagot.

Pero nag-post ito sa kanyang Instagram account kahapon at binanggit niyang may kaugnayan ito sa isang derm clinic.

Bahagi ng post ni Chito : “Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito...kawawa naman yung asawa ko. Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.

“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan.

“Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya. Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.

“Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.

“Pinapa sa Diyos nya na lang. Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.

“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.

“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.

“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.

“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso). Anyway, dinampot na lang sya bigla.

(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.) Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.

“Sobrang bait po ni Neri...as in sooobra.

“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”

Matteo, opisyal na ang pag-alis sa UH

Naiintindihan ng mga main host ng Unang Hirit ang pagpa­alam ni Matteo Guidicelli sa naturang morning show, dahil mas gusto niya munang mag-focus sa binubuo nilang pamilya ni Sarah Geronimo. Hiningan namin ng reaksyon si Arnold ‘Igan’ Clavio dahil halos isang taon lang ang aktor doon. “Di ba contract star siya rito di ba? So, may kontrata siya, and…ewan ko kung dapat sabihin,” medyo naalangan pang sagot ni Igan.

“Pero nagpaalam siya nang maayos and parang gusto niya yung personal life, lalo na sila ni Sarah na bumuo ng pamilya. So, yung schedule niya medyo…baka pagod ganyan, and we respect that. Thank you dun so naging part siya ng Unang Hirit. Talagang maraming naghanap, and respetuhin mo yun e. Priority niya talaga family…family first talaga kahit sino naman,” dagdag na pahayag ni Arnold Clavio.

Kahit sa maikling pamamalagi ni Matteo, naka-close na nila ito, dahil parang pamilya na talaga ang turingan ng mga host ng UH.

Iba na rin talaga ang samahan nila, kaya inaasahan nilang sila pa rin talaga ang magkakasama kahit hangga’t nasa ere ang programa.

Kasama ni Arnold dito mga nasa original hosts na sina Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching, Susan Enriquez, Atty. Gaby Concepcion, Ivan Mayrina at sa mga bagets nila ay sina Anjo Pertierra, Kaloy Tingcungco, at Shaira Diaz.

Show comments