^

PSN Showbiz

Nadine, mahilig mag-imagine

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine, mahilig mag-imagine
Nadine Lustre.
STAR/ File

Mapapanood na ngayong Kapaskuhan ang ‘Uninvited’ na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Nadine Lustre, at Vilma Santos. Hindi raw talaga nagdalawang-isip si Nadine natanggapin ang naturang Metro Manila Film Festival 2024 entry nang malaman kung sino ang mga makakatrabaho sa proyekto. “Noong pinitch kasi sa akin itong project ni Direk Dan (Villegas), nakakatawa na ‘yung una nilang sinabi is ‘yung makakasama sa film. Tapos after in-explain ‘yung story, hindi pa tapos ‘yung pag-e-explain nila ni DirekTonette (Jadaone), sabi ko, ‘Direk, game na!’ Kasi kailan ko ba masasabi na nakatrabaho ko silang lahat in one film. Siyempre I wouldn’t miss this opportunity of a lifetime. So agad-agad tinanggap ko siya,” nakangiting kwento ni Nadine.

Aminado ang dalaga na naka­ramdam ng kaba sa mga beteranong artistang nakatrabaho sa bagong MMFF entry. “Noong first shooting day namin, dumating ako sa set na medyo kabado. But then everyone was so welcoming. Everyone was so nice, si Kuya Aga at si Ate Vi. So mawawala talaga ‘yung kaba mo. I think ‘yung pressure and ‘yung kaba na ‘yon, it turned into how I just wanted to have a good time and I wanted to do my best. And of course, to enjoy working on the film,” pagbabahagi ng aktres.

Ginampanan ni Nadine ang karakter ni Nicole na siyang anak ni Aga sa pelikula.  Para sa dalaga ay malayo ang kanyang personalidad sa tunay na buhay kumpara kay Nicole kaya talagang pinag-aralan ang mga eksena. “Inaral ko talaga ‘yung script and I really try to put myself in the shoes of my character, pero ‘yung mga intense scenes din kasi namin talaga, mahaba-habang rehearsals din. Especially because ‘yung mga shot siyempre mahirap ‘yung paulit-ulit. I prepared with a lot of rehearsing and inaral ko talaga siya. Mahilig kasi ako mag-imagine, and I think one of the skills that I have is that I easily put myself in the shoes of my character. So kahit hindi ko napagdaanan or wala akong experience sa isang bagay na napagdaanan ng cha­racter ko, parang nararamdaman ko rin siya,” paliwanag ng dalaga.

Gary, may forever sa pagbibisikleta

Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap pa ring magawa ang hilig na pagbibisikleta ni Gary Valenciano. Madalas umanong gamit ng singer ang mountain bike patungo kung saan-saan at maging papunta sa ABS-CBN mula sa kanyang bahay sa Antipolo. Ngayon ay gumagamit na rin ng electric bike si Mr. Pure Ener­gy. “Ngayon lalo na pagkatapos ng bypass (surgery) ko, pwede kong itulak ang sarili ko pero hindi na ‘yung over pushing myself,” bungad ni Gary sa ABS-CBN News.

Naranasan na ring magbisikleta ng singer noon mula Quezon City hanggang Calatagan, Batangas. Nangangarap si Gary na makapamasyal sa Batanes at Marinduque na gamit ang bisikleta. “There are amazing experience I recommend that you try if you are a mountain biker. Please always wear helmet. I know you should wear your shoes, the proper attire. Pero kunyari wala kayo no’n, make sure you always wear a helmet. Biking is good for you. It’s good for your health. It’s good to ride with people but always wear helmet,” paglalahad ni Mr. Pure Energy.

Ayon kay Gary ay hindi na mawawala sa kanyang mga hilig gawin ang pagbibisikleta. “Like a little kid trying to walk, biking is like that. Once you get into it, it forever becomes part of you,” pagtatapos ng singer.  (Reports from JCC)

NADINE

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with