Regine at Martin, walang damot sa katawan

Regine Velasquez.
STAR/ File

Grabe ang concert ni Andrew E. sa December 11 sa New Frontier Theater; first major concert lang pala niya yun? Talaga ba? At huwag niyong tawaran, umoo sina Martin Nievera at Regine Velasquez as guests! Nakabibilib lang talaga sina Martin at Regine, laging nandyan na nakasuporta sa kapwa nila performers hangga’t kaya. At hindi pera ang motivation ha? Kahit nga sa mga baguhan, all out support talaga sila - nang walang maraming kiyaw kiyaw!

Family Matters, nag-tie sa Mamasapano

Sa PMPC Star Awards for Movies\, tie talaga for Best Picture ang Family Matters and Mamasapano? And Broken Blooms talaga over Blue Room?

Musical ni Jose Mari... ‘di pa malakas ang ticket

Tatlong araw na lang at magbubukas na ang musical na Going Home for Christmas and compared to the past jukebox musicals at pati na ang ibang original Pilipino musicals, totoo bang mahina ang sales ng tickets ng Jose Mari Chan musical na ito?

Bakit kaya? Medyo late na rin naman kasi naglabas ng final cast at director dahil totoo bang nakailang revisions ito sa material at ilang direktor din ang tumanggi rito?

Magkakaalaman ‘yan kapag nag-open ito ngayong weekend - at kung mas pipiliin ng mga audience na manood nito kaysa mag-Christmas shopping! Good luck!

Ka Tunying may pasabog sa katiwalian?!

Sabi ng batikang broadcaster na si Anthony Taberna, “Talamak na ang katiwalian sa BBM Admi­nistration.” Malaya naman tayong nasasabi ang mga gusto nating sabihin - pero ang tanong - hindi kaya si Ka Tunying ang dapat na susunod na ipatawag sa Senado para patotohanan at ilabas ang mga ebidensya ng katiwalian?

Kaabang-abang ito kung nagkataon? Bakit may mga bashers ding nagbabanta na, hindi kaya si Anthony ang magulat kung maisyuhan siya? Ang hirap lang sa sitwasyon ngayon, kapag nagsalita ka, siguraduhing walang maipupukol din sa iyo!

Pero sana talaga maipalabas ang katotohanan sa mga akusasyon ng korapsyon!

Nakakataquote:

“Nagpapasalamat ako sa mga fans namin sa mga tao na hindi bumibitaw at naging possible yung concert tour na ito... that we got closer again, understood each other better... made us both a better person... then she broke down in tears... that I comforted her with care. Konting humor na I did not have my hanky (panyo)... I felt something building up from within but she manifested it first... I realized at that very moment these were... ‘tears of joy.” - GABBY CONCEPCION on his ex-wife Sharon Cuneta on their Dear Heart concert tour.

Ang tanong - Tuloy ba ang Part 2 na P.S. I LoveYou concert? Or movie na ang kasunod sa Sharon-Gabby tandem?

Show comments