Jolina, may misyon!
Sa kabila ng mga pagsubok sa pang-araw-araw na buhay kung saan nakakalimutang bigyang-pansin ang kalusugan, may misyon si Jolina Magdangal-Escueta na gawing prioridad ang kalusugan ng kanyang pamilya.
Para kay Jolina, na kilala bilang “Momshie Jolens” ng kanyang mga tagahanga, ang pinakamagandang paraan para alagaan ang iba ay sa pamamagitan ng pag-alaga sa sarili. Kapag malusog daw tayo, makakaya rin nating alagaan ang mga mahal natin sa buhay.
Binibigyang-diin ni Jolina na ang kalusugan ay dapat laging unahin. Hinihikayat niya ang mga magulang na maging mabuting ehemplo sa pamamagitan ng regular checkups, balanced meals, exercise, at daily health monitoring.
Bilang pinakabagong brand ambassador ng OMRON Healthcare Philippines, pinapalaganap niya ang empowered health at hinihikayat ang mga pamilyang Pilipino na isama ang health monitoring sa kanilang pang-araw-araw na routine.
Bilang ang heart disease ay tinuturing na major concern sa Pilipinas, binigyang-diin ni Jolina ang kahalagahan ng pagmo-monitor ng puso. Ang OMRON HeartGuide wearable activity tracker ay swak sa mga magulang na on-the-go dahil tina-track nito ang heart rate at daily activity.
Tinataguyod din ni Jolina ang pagtuturo sa kabataan na pahalagahan ang kalusugan sa murang edad pa lamang.
Mahalaga rin na merong mga reliable health tool na kailangan sa paggawa ng mga tamang desisyon sa kalusugan.
- Latest