Chelsea Manalo, ibang title ang napanalunan

Chelsea Manalo
STAR/ File

Natalong Miss Universe

Hindi naipanalo ng ingay sa ­social media si Chelsea Manalo sa Miss Universe.

Yup, natalo si Ms. Manalo.

Hanggang Top 30 lang siya nakasama.

Pero tinanghal naman siyang Miss Universe - Asia.

Napili diumano si Chelsea bilang continental queen para sa Asya.

Kasama niya si Matilda Wirtavuori ng Finland bilang continental queen para sa Europe at Middle East, Tatiana Calmell ng Peru bilang continental queen para sa Americas, at Chidimma Adetshina ng Nigeria bilang continental queen para sa Africa at Oceania.

Anyway, tinalo ni Victoria Kjær Theilvig ng Denmark ang 125 iba pang umaasang kandidata para masungkit ang inaasam na Miss Universe 2024 crown sa pagtatapos ng coronation night na ginanap sa Arena CDMX sa Mexico City noong Nobyembre 16.

At ito ang kauna-unahang Miss Universe na panalo ng Denmark.

Siya ay kinoronahan ng kauna-unahang Filipino-made crown ng international jewelry brand na Jewelmer na nagtatampok ng sari­ling South Sea Pearls ng Pilipinas na kinoronahan ng outgoing Miss Universe na si Sheynnis Palacios ng Nicaragua.

Kabilang naman sa runner up ang mga sumusunod:

1st runner-up: Nigeria - Chidimma Adetshina

2nd runner-up: Mexico - Maria Fernanda Beltran

3rd runner-up: Thailand - Opal Suchata Chuangsri

4th runner-up: Venezuela - Ileana Marquez

Nagbalik bilang commentator si Miss Universe 2018 Catriona Gray, habang binalikan ng aktor na si Mario Lopez ang kanyang tungkulin bilang pageant host. Si Miss Universe 2022 American-Filipino R’bonney Gabriel, sa kabilang banda, ay sumali sa Voice for Change project judging panel.

Kabilang naman sa mga kalahok na may dugong Pinay sina Victoria Velasquez Vincent ng New Zealand, Christina Dela Cruz Chalk ng Great Britain, at Shereen Ahmed ng Bahrain.

Wala pang sinasabi si Chelsea kung papasukin niya ba ang showbiz.

Samantala, practically, Pinoy na halos ang major sponsors ng Miss Universe.

Plus andun sina Catriona Gray and R’bonney Gabriel, at isa sa mga hurado ay ang Pinoy designer na si Michael Cinco na nag-trending dahil naka-shades habang nagja-judge. Puna ng netizens, baka raw naapektuhan ang vision nito sa suot na shades.

Show comments